CMSP, nagpaabot ng pagbati kay Bro. Armin Luistro

SHARE THE TRUTH

 3,291 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) kay Bro. Armin Luistro, FSC na itinalaga ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV upang maging kasapi ng Dicastery for the Institutes of Consecrated Life and the Societies of Apostolic Life.

Bilang dating AMRSP Vice Chairperson na ngayon ay CMSP ay kinilala ng institusyon ang pagiging isang ganap na pinunong tagapaglingkod ni Luistro na malaki ang maitutulong para sa misyon ng tanggapan ng Vatican. Ipinapanalangin naman ng CMSP na patuloy na pagpalain at gabayan ng Banal na Espiritu si Luistro para sa pagkakaroon ng patuloy na karunungan at determinasyon na gampanan ang kanyang bagong tungkulin para sa patuloy na paglilingkod sa Simbahan at sa buhay ng mga konsekrado sa buong mundo.

“We extend our heartfelt congratulations to Br. Armin A. Luistro, FSC on his recent appointment by Pope Leo XIV as member of the Dicastery for the Institutes of Consecrated Life and the Societies of Apostolic Life. As a former AMRSP Vice Chairperson (1998–2001) and Co-Chairperson (2001–2004), Br. Armin has long exemplified servant-leadership. May this new role be blessed with wisdom, grace, and the guiding presence of the Holy Spirit as he continues to serve the Church and consecrated life globally.” Bahagi ng pagbati ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP).

Matatandaang kasabay ng Dakilang Kapistahan ni San Juan Bautista ay nagtalaga si Pope Leo XIV ng mga relihiyoso sa Dicastery for the Institutes of Consecrated Life and the Societies of Apostolic Life kung saan isa sa naitalaga si Bro. Armin Luistro na kasalukuyang superior general ng Brothers of the Christian Schools o De La Salle Brothers.

Si Luistro ang kauna-unahang Asyanong nahalal bilang superior general ng kongregasyon na pangunahing gawain ay maghubog ng mga kabataan sa pamamagitan ng kanilang mga eskwelahan tulad ng De La Salle University. Bukod sa pagsisilbi bilang dating kalihim ng Department of Education noong 2010 ay nagsilbi rin si Luistro bilang dating vice chairperson ng CMSP na dating Association of Major Religious Superiors in the Philippines mula 1998 hanggang 2001; at Co-Chairperson ng AMRSP mula 2001 hanggang 2004.

Bukod kay Luistro dati ring nanilbihan sa nasabing tanggapan ng Vatican si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. noong 2012 hanggang 2019 na kasapi naman ng Claretian Missionaries in the Philippines.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battle of uncertainty

 11,875 total views

 11,875 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 25,237 total views

 25,237 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 40,057 total views

 40,057 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 57,525 total views

 57,525 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 110,949 total views

 110,949 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top