Collective repentance, panawagan ni Bishop Uy sa panahon ng kuwaresma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,798 total reads

Umapela si Tagbilaran Bishop Alberto Uy sa mga Pilipino na magkaisang magbalik loob sa Panginoon lalo ngayong panahon ng kuwaresma at naranasang tensyon sa bansa.

Batid ng obispo ang nakababahalahang kalagayan ng Pilipinas dahil sa magkakahating opinyon ng mamamayan lalo na sa usaping pulitika makaraang arestuhin ng Interpol si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest sa kasong crimes against humanity na inilabas ng International Criminal Court.

“It’s truly disheartening to see the division in our country. The hostility between us has reached concerning levels. What we genuinely need is a heartfelt collective repentance,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Sinabi ng obispo na mahalaga ang paggabay ng Diyos upang manatiling iiral sa lipunan ang kahinahunan at kapayapaan.

Iginiit ni Bishop Uy na ang pagsisisi at pagbabalik loob ang natatanging paraan upang patuloy ang pagsulong ng bansa at mapigilang masadlak sa kadiliman ang bayan.
“As a nation, we must recognize our failings, express genuine remorse. make sacrifices or atonements, and return to God – all of us, from the President to the ordinary citizen,” giit ni Bishop Uy.

Matatandaang kasunod ng pag-aresto kay Duterte nagsagawa ng pagkilos ang mga tagasuporta ng dating pangulo sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas upang ipanawagan ang pagpapabalik nito sa bansa at litisin sa mga korte ng Pilipinas.

Kasalukuyang nasa The Hague Penitentiary Institution si Duterte at sumailalim sa medical proceedings bilang bahagi ng proseso.

Nakasaad sa warrant of arrest ng ICC ang mga kasong paglabag sa karapatang pantao at pagpaslang sa war on drugs sa pagitan ng November 1, 2011 nang manilbihang alkalde ng Davao City hanggang March 16, 2019 bilang pangulo ng Pilipinas bago ang withdrawal ng bansa Rome Statute.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 22,086 total reads

 22,086 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 42,634 total reads

 42,634 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 115,530 total reads

 115,530 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 200,899 total reads

 200,899 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 247,635 total reads

 247,635 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 295,506 total reads

 295,506 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 393,521 total reads

 393,521 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top