CONGRESSIONAL AMMENDMENTS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 94,408 total reads

Ito ang pinagmumulan ng “biggest corruption” scandal na nagdulot ng “public outcry” sa mga Pilipino na dinaig pa ang Priority Development Assistance Fund o PDAF scam na kinasasangkutan ng mga Senador at Kongresista.

Saan nga ba nagsisimula ang katiwalian o korapsyon sa kaban ng bayan? Ang pangangamkam ng pera ng taumbayan ay nagsisimula at nagtatapos sa CONGRESSIONAL AMMENDMENTS o tinatawag na BUDGET INSERTIONS? Malinaw Kapanalig, sa Kongreso o Mataas na Kapulungan (Senado) at Mababang Kapulungan ng Kongreso (KAMARA) ang pugad ng mga buwaya sa salapi.

Sa lahat ng ahensiya, sangay ng pamahalaan,GOCC’s at iba pa., pinagpipiyestahan ng mga mambabatas ang budget ng Department of Public Works and Highways., dito ginagawa ng mga mambabatas ang napalaking “budget instertions.

Sa pag-aaral sa budget ng DPWH, tanging sa administrasyon ng dating pangulong Noynoy Aquino ang walang pagbabago sa pondo ng DPWH na base sa panukalang 2011 National Expenditure Program (NEP) ay 100.82-bilyong piso.

Sa pag-upo ni dating Pangulong Duterte, dumoble ang budget ng DPWH., sa 2016 General Appropriations Act, naging 290-bilyong piso na ang budget ng ahensiya na numero sa pagiging corrupt sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan.

Kada taon, tumataas ang Congressional insertions sa budget ng DPWH ng mahigit 100-bilyong piso kung saan 785.72-bilyong piso na ito sa huling termino ni Digong. Pero Kapanalig, walang panama ang Congressional budget insertions sa dalawang nakalipas na administrasyon sa kasalukuyang administrasyon ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Para sa taong 2025, hiningi ng administrasyong Marcos sa Kongreso ang 898.89-bilyong pisong budget para sa DPWH. Nakulangan pa dito ang Kongreso at ginawang 1.08-trilyong piso ang budget allocation sa DPWH sa ilalim ng GAA. Mula taong 2023, mahigit sa 540-bilyong piso ang Congressional budget insertions ng mga mambabatas sa pondo ng pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan.

Dahil sa sobrang kagahaman sa pera ng mga mambabatas, nagalit ang langit., sa tuwing umuulan sa Metro Manila at karatig na lalawigan, lumalangoy sa tubig-baha ang mga kawawang mamamayan. Umaalingasaw tuloy ang baho ng mga mambabatas., nasaan ang trilyong pisong pondo na inilaan sa DPWH para sa flood control projects? Natukoy na ang mga anumalya sa flood control projects ng DPWH ay nagsimula sa mga mambabatas., maging ang kanilang ginagawang budget insertions ay nabunyag na rin.

67 na mga kongresista at apat na Senador na ang pinangalanan sa imbestigasyon na nagkamal ng bilyun-bilyon pisong kickbacks kasama ang kanilang mga kamag-anak at kakilalang kontraktor.
Nakakapanlumo ang katotohanan Kapanalig, pero sa halip na aminin ang pagkakamali.,ibalik sa taumbayan ang nakulimbat na salapi mula sa kaban ng bayan ay taas-noo pa rin ang mga sangkot na mambabatas at mga kasabwat sa pagtanggi. Hindi daw sila mga magnanakaw?

Harinawa Kapanalig, maantig ang puso ng mga magnanakaw sa kaban ng bayan sa sinasabi sa “Mathew 5:8–Give to everyone what you owe them: If you owe taxes, pay taxes; if revenue, then revenue; if respect, then respect; if honor, then honor.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 94,909 total reads

 94,909 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 172,024 total reads

 172,024 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 205,472 total reads

 205,472 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 240,772 total reads

 240,772 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 463,622 total reads

 463,622 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 94,910 total reads

 94,910 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 172,025 total reads

 172,025 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 205,473 total reads

 205,473 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 240,773 total reads

 240,773 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top