CMSP, mag-aalay ng misa para sa kapayapaan at katarungan sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,922 total reads

Nakatakdang mag-alay ng Misa ng Bayan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) upang ipanalangin ang patuloy at ganap na pagkamit ng kapayapaan at katarungan sa bansa.

Nakatakda ang Misa ng Bayan sa ika-26 ng Setyembre, 2025 ganap na alas-singko ng hapon sa Religious of the Good Shepherd Convent (RGS), sa Aurora Boulevard, Katipunan, Quezon City.

Ayon sa CMSP, layunin ng Misa ng Bayan na ipagpatuloy ang pananalangin at paninindigan laban sa katiwalian sa lipunan na isa ring paraan upang isulong ang nasimulang adhikain noong ika-21 ng Setyembre, 2025 sa mamamagitan ng sama-samang pananalangin para sa bansa ngayong ginugunita ng Simbahan ang Jubilee Year of Hope.

“Bilang pagpapatuloy ng ating laban sa korupsyon at ng mga adhikain na ating nasimulan noong Setyembre 21, muli tayong titindig at maglalahad ng ating saloobin sa pamamagitan ng pagkakaisa at sama-samang panalangin sa Misang ito.” Bahagi ng paanyaya ng CMSP.

Bilang nag-iisang komunidad sa pananampalataya ay inaanyayahan ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) ang bawat mananampalataya na makibahagi sa gawain para sa pananalangin para sa kinabukasan ng bayan.

Inaanyayahan rin ang lahat na magdala ng kandila bilang simbolo ng pagkakaisa at malinis na hangarin para sa pagbabago sa bayan.

Una ng binigyang diin ng CMSP-Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP–JPICC) na ang usapin ng katiwalian sa kaban ng bayan ay hindi lamang usaping politikal sa halip ay isang malalim na kasalanang moral at espiritwal na bumibiktima sa mga mahihirap at sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan kaya naman maituturing na isang pananagutan moral na naayon din sa Ebanghelyo ang paninindigan laban sa katiwalian sa pamahalaan.

Matatandaang aktibong nakibahagi ang CMSP at mga kasaping organisasyon nito sa iba’t ibang pagkilos na naganap para sa Araw ng Pambansang Protesta at Pagkondena sa Katiwalian noong ika-21 ng Setyembre, 2025 kabilang na: ang pagtitipon sa Manila Cathedral at martsa patungong Luneta; ang Bahain ang Luneta mobilization; at ang Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 96,456 total reads

 96,456 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 173,505 total reads

 173,505 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 206,953 total reads

 206,953 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 242,253 total reads

 242,253 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 465,055 total reads

 465,055 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top