Connectivity ng mamamayan sa Palawan, panalangin ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 625 total views

Nakikiisa ang Simbahang Katolika sa pagdiriwang ng ika-120 anibersaryo ng pagkakatatag sa pamahalaang sibil ng Palawan.

Matatagpuan sa Palawan ang Apostoliko Bikaryato ng Puerto Prinsesa at Taytay na pinamumunuan nina Puerto Prinsesa Bishop Socrates Mesiona at Taytay Bishop Broderick Pabillo.

Ayon kay Bishop Mesiona, dapat na ipagpasalamat sa Diyos ang biyaya na ipinagkaloob sa probinsya sa loob ng 120-taon mula ng maitatag ang pamahalaang sibil upang pangasiwaan ang kapakanan ng mga Palaweños.

Ipinagdarasal ng Obispo na magpatuloy at lumalim pa ang pagtutulungan ng Simbahan at lokal na pamahalaang ng Palawan para sa kapakanan ng mamamayan at pangangalaga sa inang kalikasan.

“Huwag tayong makalimot magpasalamat sa Diyos sa ika-120 taon na pagkatatag ng Palawan. Malayo na din ang ating narating at nawa’y patuloy tayo sa ating pagtutulungan lalo na sa ikabubuti ng ating sambayanan at inang kalikasan,” pahayag Bishop Mesiona sa Radio Veritas.

Inaanyayahan naman ni Taytay Bishop Broderick Pabillo ang bawat isa na makibahagi sa pagdiriwang ng probinsya maging sa pamamagitan ng pananalangin.

Iginiit ni Bishop Pabillo na mahalaga ang paggabay ng Panginoon upang maging matapat, makatao at maka-Diyos na mapangasiwaan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang lalawigan.

“Samahan niyo po kami sa pagdiriwang, ipagdasal po natin ang civil government na ngayon po ay mayroon kaming bagong governor na si Governor Dennis Socrates na siyang mamamahala dito sa Palawan, gabayan po siya at ang kanyang mga kasama na ang pamamahala ng Palawan ay isang malaking bagay upang pangalagaan ang kalikasan at upang magkaroon ng maayos na pamahalaan na magko-connect sa mga tao,” mensahe ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Tinukoy ni Bishop Pabillo na tutukan ng lokal na pamahalaan ang ganap na pag-uugnay sa Palaweños sa pamamagitan ng pag-sasaayos ng mga lansangan, pagkakaloob ng kuryente sa mga liblib na lugar at pagtatayo ng mas maayos na digital infrastructure sa probinsya.

Pinangunahan ni Bishop Mesiona ang Misa ng Pasasalamat at Pagkakaisa para sa ika-120 anibersaryo sa pinasinayaang PGP Convention Center sa Provincial Capitol Compound ng Palawan kung saan opisyal na inihayag ang Baragatan Festival Grand Opening Program.

Ang Baragatan sa Palawan ay isang linggong pagdiriwang ng pagkakatatag sa pamahalaang sibil na ipinagdiriwang taon-taon kung saan nagtutungo at nagtatagpo ang mga opisyal ng bawat munisipyo sa kapitolyo ng Puerto Princesa.

Ang Apostolic Vicariate of Puerto Prinsesa at Taytay ay pawang kabilang sa Ecclesiastical Province of Manila na naglalayong magabayan ang buhay espiritwal at pananampalataya ng bawat mamamayan sa Palawan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 99,158 total views

 99,158 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 142,766 total views

 142,766 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 224,805 total views

 224,805 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 233,723 total views

 233,723 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top