Conscience formation ng mamamayan, paiigtingin ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 750 total reads

Tiniyak ni Malolos Bishop Dennis Villarojo na mananatiling gabay ang Simbahan sa paghuhubog ng kamalayan ng mamamayan.

Ito ang mensahe ng obispo sa ginanap na ‘Gugma sa Kamatuoran’ online program ng Cebu Caritas kung saan paksa ang katatapos na national and local elections.

Sinabi ni Bishop Villarojo na paiigtingin ng simbahan ang paggabay sa kawan ng Panginoon lalo na’t nakita sa nakalipas na halalan ang labis na epekto ng disinformation sa kamalayan ng tao.

“It is a remarkable election affected by massive disinformation; the role of the Church will have to be conscience formation,” pahayag ni Bishop Villarojo.

Binigyang diin ng obispo ang kahalagahan ng pagtutulungan sa paghahayag ng katotohanan sa pamayanan upang maiwasang mabiktima ng fake news.

Naniniwala si Bishop Villarojo na dapat palakasin ng simbahan ang munting pamayanan o Basic Ecclesial Communities na magiging katuwang sa misyon ng simbahan sa lipunan.

“Let us go to the grassroots and revitalize the Basic Ecclesial Communities (BEC), the triumph of the church comes when people are converted to the truth,” ani Bishop Villarojo.

Una nang nanindigan ang simbahang katolika na labanan ang fake news lalo’t sa pag-aaral ng Data Reportal sa unang bahagi ng 2022 ay mahigit 90-milyong Pilipino ang aktibo sa iba’t ibang social media platform na pinakapangunahing ginamit ng mga kandidato sa pangagampanya bago ang halalan noong Mayo 9.

Bagamat kinilala ng Simbahan ang pinili ng mayorya ng mga Pilipino, tiniyak naman nito ang principled cooperation sa administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Read: https://www.veritasph.net/principled-cooperation-sa-bagong-administrasyon-suportado-ng-slp/

Umaasa rin si Baguio Bishop Victor Bendico na isulong ng bagong administrasyon ang tunay na pagkakaisa sa bansa alinsunod sa bunga ng Espiritu Santo.

Read: https://www.veritasph.net/the-essence-of-pentecost-is-unity-paalala-ng-obispo-kay-bbm-at-mamamayang-pilipino/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 13,610 total reads

 13,610 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 94,792 total reads

 94,792 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 189,017 total reads

 189,017 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,507 total reads

 249,507 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 262,711 total reads

 262,711 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 35,657 total reads

 35,657 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top