Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Copper open-pit mining, tinanggihan ng Sagay City LGU

SHARE THE TRUTH

 27,229 total views

Pinuri ng Alyansa Tigil Mina ang ang pagsisikap ng Diocese of San Carlos na mahikayat ang Sangguniang Panlungsod ng Sagay, Negros Occidental na pigilan at huwag pahintulutan ang pagmimina sa lungsod.

Ayon kay ATM national coordinator Jaybee Garganera, nagbunga ang paninindigan ng diyosesis sa pangunguna ni Bishop Gerardo Alminaza katuwang ang Social Action Center upang isantabi ng Sagay City local government ang aplikasyon ng Tambuli Mining Corporation upang makapagsagawa ng open-pit mining project sa Barangay Lopez Jaena, Sagay City.

“The perseverance of Bishop Alminaza, the church workers and allied organizations to raise awareness on the issue and articulate the arguments against mining has generated the much-needed support from local officials,” pahayag ni Garganera.

Nagpaabot din ng pagbati ang ATM sa Sagay City LGU dahil sa paninindigan sa kanilang City Environment Code na pangalagaan at isulong ang karapatan ng mamamayan para sa isang balanse at malusog na kapaligiran.

Panawagan naman ng grupo sa Department of Environment and Natural Resources na igalang ang desisyon ng lokal na pamahalaan, itaguyod ang lokal na awtonomiya, at huwag nang pahintulutan ang aplikasyon Tambuli Mining.
Batay sa resolusyon ng Sangguniang Panglungsod ng Sagay, ang copper open-pit mining ay mangangailangan ng pagpuputol ng mga puno, pagpapatag ng mga bundok, at iba pa na makapipinsala sa kalikasan, gayundin sa kaligtasan at kalusugan ng mga tao.

Apela naman ng ATM sa iba pang lokal na pamahalaan sa bansa na tularan ang naging hakbang ng Sagay City LGU at manindigan para sa kapakanan ng kalikasan at mga kinasasakupan.

“We hope other LGUs confronted with mining applications follow the lead of the LGU of Sagay. As elected leaders, local government officials are mandated to protect the interests of their communities and ensure their right to a clean, healthy and sustainable environment,” saad ni Garganera.

Mariing tinututulan ng Santo Papa Francisco sa kanyang Laudato Si’ ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa mga apektadong pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Prayer Power

 42,177 total views

 42,177 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Hindi sapat ang siyensya lamang

 79,658 total views

 79,658 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 111,653 total views

 111,653 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 156,397 total views

 156,397 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 179,343 total views

 179,343 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 6,626 total views

 6,626 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 17,248 total views

 17,248 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 7,043 total views

 7,043 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top