“World’s worst traffic”

SHARE THE TRUTH

 87,623 total views

Mga Kapanalig, sa tindi ng kalbaryong dinaranas natin dahil sa matinding trapiko, hindi na nakapagtatakang nasungkit ng Metro Manila ang titulong “worst traffic in the world” noong 2023. Ayon sa TomTom International BV, isang multinational traffic data provider, ang karaniwang biyahe ng mga motorista sa Metro Manila ay inaabot ng 25 minutes and 30 seconds sa bawat sampung kilometro. Tumaas ito ng 50 seconds kumpara noong 2022. Ang araw na may pinakamatinding trapiko ay noong ika-15 ng Disyembre, kasagsagan ng holiday rush

Kasabay ng balitang ito ang pagbubunyi ng car industry dahil sa pagdami ng mga nabenta nilang sasakyan at paglampas nila sa kanilang sales forecast noong 2023. Ayon sa datos ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (o CAMPI) at Truck Manufacturers Association (o TMA), tumaas ng 21.9% ang mga nabentang bagong sasakyan sa bansa. Mula sa mahigit 350,000 units na nabenta noong 2022, umakyat ito sa halos 430,000 na units noong 2023. Lampas ito sa sales forecast nilang 423,000 units para sa 2023.

Malalim ang pagkakaugnay ng dalawang balitang ito. Isa sa pangunahing sanhi ng matinding trapiko ay ang napakaraming sasakyan sa mga lansangan. Kaugnay nito ang kakulangan sa pampublikong transportasyon at imprastraktura ng iba pang transport modes gaya ng pagbibisikleta. Dahil sa kakulangang ito, marami ang gustong bumili na lamang ng sasakyan o gumamit ng ride-hailing services. Lahat ng ito ay nakaugat sa tinatawag na car-centric culture natin, kung saan ang mga patakaran at imprastraktura—pati na ang pananaw ng marami sa atin ukol sa transportasyon—ay mas binibigyang-prayoridad ang mga pribadong sasakyan. Nananatili ang kulturang ito dahil na rin sa mga korporasyon, negosyante, at mambabatas na may interes o kaya naman ay bahagi mismo ng car industry. Kasama na rito ang mga negosyong may kinalaman sa pagpapatayo ng mga kalsadang katulad ng expressways

Marami rin sa atin ang naniniwalang kailangan pa nating dagdagan ang mga kalsada upang mapaluwag ang trapiko. Ngunit sa pagdagdag natin ng mga kalsada, mas nahihikayat ang mga motoristang gamitin ang kanilang sasakyan. Nagreresulta ito sa pagdami pa lalo ng mga sasakyan at pagtindi ng trapiko. Ito ang tinatawag na induced demand.

Sa Pilipinas, ang pagkakaroon ng kotse ay isang simbolo ng pag-angat sa buhay at katayuan sa lipunan. Para sa car industry, ang pagdami ng mga sasakyan ay nagpapahiwatig ng daw ng pag-unlad ng ekonomiya. Ngunit palagi nating tatanungin: sino nga ba ang tunay na nakikinabang sa sinasabing pag-unlad na ito? Sa Laudato Si’, sinabi ni Pope Francis na malaki ang kinalaman sa kalidad ng buhay sa kalunsuran ang sistema ng transportasyon. Nagiging kalbaryo ang sistemang ito para sa mga mananakay dahil sa traffic congestion at polusyong dulot ng mga sasakyan. 

Nabanggit na natin sa mga nakaraang editoryal ang car-centric culture. Gayunpaman, mahalagang ipaalala natin ito dahil ang pagbabago ng kultura ay nagsisimula sa sarili. Kapag tayo ay nasa pribadong sasakyan at naiipit tayo sa matinding trapiko, alalahanin nating tayo mismo ay parte ng trapiko. Isulong sana natin ang pagpapabuti sa pampublikong transportasyon. Siguruhin nating walang tsuper ang maiiwan sa modernisasyon ng public utility vehicles. Panagutin natin ang mga opisyales na nag-aastang VIP sa EDSA bus lane. Ipanawagan natin ang pagdagdag ng mga parke sa halip na mga kalsada at parking spaces. Ipaglaban natin ang pagtatayo ng mga protected bike lanes at ligtas na mga sidewalks upang maisulong ang active transport.

Mga Kapanalig, sa pagsulong ng kabutihang panlahat o common good, sabay-sabay nating baguhin ang status quo sa sistema ng transportasyon. Gaya ng wika sa Galacia 6:2, “magtulungan [t]ayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Cybercrime

 74,887 total views

 74,887 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »

Financial Inclusion

 86,533 total views

 86,533 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »

Blue Economy

 95,780 total views

 95,780 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,577 total views

 101,577 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 113,965 total views

 113,965 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cybercrime

 74,888 total views

 74,888 total views Hindi natin maitatanggi, kapanalig, na talamak ang cybercrime sa ating bansa. Parami ng parami ang konektado sa internet sa ating bayan, at parami rin ng parami ang mga kriminal na nagnanais na gamitin ang kondisyon na ito bilang oportunidad para kumita. Kapanalig, kung dati, ang mga krimen na karaniwan nating naririnig ay lokal

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 86,534 total views

 86,534 total views Limitado ang pagkaunawa ng maraming mga Filipino ukol sa financial inclusion. Marami sa atin, basta mapabilang o makasali lamang sa mga e-wallets o mga financial platforms, tinuturing na agad itong financially inclusive. Hindi ganun kasimple ito, kapanalig, at panahon na upang mas lumawak pa ang ating pag-unawa sa financial inclusion. Ayon sa Bangko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Economy

 95,781 total views

 95,781 total views Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 101,578 total views

 101,578 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sundan ang hakbang ng Negros Occidental

 113,966 total views

 113,966 total views Mga Kapanalig, pinuri ng tatlong obispo mula sa Negros Occidental na sina Bishop Patricio Buzon ng Bacolod, Bishop Louie Galbines ng Kabankalan, at Bishop Gerardo Alminaza ng San Carlos ang pamahalaang panlalawigan dahil sa inilunsad nitong programa na tinatawag na “SecuRE Negros: Ensuring Power Security with Renewable Energy.” Layunin ng programang magkaroon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pwedeng taumbayan naman?

 64,649 total views

 64,649 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang buwan ay pinag-usapan natin sa isang editoryal ang isinasagawang people’s initiative para sa Charter change (o Cha-cha). Sinimulan ito dahil sa hindi pagsuporta ng Senado na amyendahan ang Konstitusyon.  Itinutulak ng people’s initiative ang pagsasama ng mga senador at kongresista sa pagboto sa mga panukalang pagbabago sa Konstitusyon, imbis

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilang buhay pa ang kailangang masawi?

 99,860 total views

 99,860 total views Mga Kapanalig, sa isang nakaraang editoryal tungkol sa landslide sa Davao de Oro na kumitil ng labing-isang buhay, tinanong natin: “Ilang insidente pa ng pagguho ng lupa at ilang buhay pa ang kailangang mawala bago natin tuluyang iwan ang pagmimina?”  Sa kasamaang-palad, agad itong nasundan ng isa na namang nakapanlulumong insidente ng landslide

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga gig workers

 145,695 total views

 145,695 total views Sa kasalukuyan, ang mga gig workers o manggagawa sa gig economy sa Pilipinas ay patuloy na dumarami. Ang mga gig workers ay mga irregular na empleyado at nagtatrabaho sa pamamagitan ng mga platforms tulad ng food delivery services, ride-hailing apps, online freelancing, at iba pa. Ang laki ng kanilang kontribusyon sa ekonomiya, pero

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Online work at kababaihan

 146,713 total views

 146,713 total views Ang laking bentahe ng online work dito sa ating bansa, lalo na para sa mga kababaihan. Nagbubukas ito ng oportunidad at mga bagong posibilidad. Sa pamamagitan ng online work, mas napapadali ang pag-access nila sa trabaho nang hindi na kailangang lumabas ng bahay. Ito ay isang magandang pagkakataon para sa mga kababaihan na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Disaster Preparedness

 120,479 total views

 120,479 total views Ang ating bansa ay madalas sinasalanta ng iba’t ibang kalamidad tulad ng bagyo, lindol, at iba pa. Ang mga kalamidad na ito ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian, kabuhayan, at higit sa lahat, sa buhay ng maraming Pilipino. Ayon nga sa mga eksperto, malaki ang tsansa na umabot ng P1.5 trillion ang halaga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panahon ng biyaya at pagbabagong-loob

 117,538 total views

 117,538 total views Mga Kapanalig, sa kanyang mensahe para sa paggunita ng Kuwaresma ngayong taon, sinabi ni Pope Francis na ang panahong ito ay isang panahon ng biyaya. Isa itong pagkakataon para sa pagbabagong-loob at kalayaan. “Lent is a season of conversion, a time of freedom,” paalala ng Santo Papa sa ating mga Katoliko. Sa naturang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, hindi pagkakawatak-watak

 118,580 total views

 118,580 total views Mga Kapanalig, kung hindi pa kontrobersyal ang lamat sa pagitan ng binansagang “UniTeam” ng mga Marcos at Duterte, lumutang naman ang mungkahi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na humiwalay na sa Pilipinas ang Mindanao. Ibang klaseng hiwalayan naman ito. Sa kasagsagan ng debate tungkol sa Cha-cha at sa people’s initiative, sinabi ng dating

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

“Is that good?”

 123,009 total views

 123,009 total views Mga Kapanalig, sa isang pastoral letter na inilabas noong huling araw ng Enero, pinuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) ang nagpapatuloy na people’s initiative kung saan kinukuha ang suporta ng taumbayan para bumoto bilang isang lupon ang mga senador at kongresista sa Charter change o Cha-cha.  Katulad ng ibang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Enerhiya

 137,209 total views

 137,209 total views Ang sektor ng enerhiya ay kritikal sa ating bansa. Ito ang pundasyon ng mga industriya, komersyo, at pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan. Kung hindi natin mahaharap ang mga hamon na umaaligid dito, malaking problema ang sasalubong sa ating bayan sa kalaunan. Isa sa pinakamalaking hamon sa sektor ng enerhiya sa Pilipinas ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Agrikultura

 147,662 total views

 147,662 total views Kapanalig, sa panahon ng digital age, nakakalimutan natin minsan ang sektor ng agrikultura. Ito ay isang malaking oversight, lalo pa’t ang karamihan sa mga maralita sa ating bansa ay sakop ng sektor na ito. Tinatayang mga 60% ng mga mahihirap sa ating bansa ay nasa agricultural sector. Isa sa mga pangunahing suliranin na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top