Magbagong buhay para sa kalikasan, hamon ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,197 total views

Simulan na ang pagbabalik-loob at pagbabagong-buhay para sa kalikasan.

Ito ang hamon ni Borongan Bishop Crispin Varquez sa mamamayan sa ginanap na Island-wide Jericho Walk Prayer Assembly sa Guiuan, Eastern Samar bilang patuloy na panawagang ihinto ang mapaminsalang pagmimina sa buong Samar Island.

Sa pagninilay ni Bishop Varquez, sinabi nitong ang pagmamalabis at hindi pagiging kuntento ng tao ang nagiging dahilan ng unti-unting pagkaubos ng mga likas na yaman.

Iginiit ng obispo na ito’y handog lamang ng Diyos sa sangkatauhan, hindi upang pagsamantalahan, bagkus ay dapat pangalagaan at pagyabungin para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“But we human beings have sinned. We have caused much damage in God’s good creation… We have caused ecological imbalance because our actions have negatively impacted the interactions of living and non-living beings in our environment,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Varquez.

Hinikayat ni Bishop Varquez ang bawat isa na agad nang kumilos at manindigan laban sa mga mapaminsalang gawaing kapag nagpatuloy ay higit pang paghihirap ang idudulot sa kalikasan at buhay ng tao.

Panawagan ng obispo ang pagsisikap na baguhin ang mga nakasanayang pamumuhay na nakapipinsala sa kapaligiran; pagsuporta at pamumuhunan sa renewable energy; at pagpapabuti ng pamahalaan sa mga panuntunan at programa para sa kalikasan, lalo na sa sektor ng pagmimina.

Umaasa si Bishop Varquez na maging makabuluhan at madinig ng mga kinauukulan ang hinaing ng mga apektadong pamayanan, at isaalang-alang ang kaligtasan sa halip na salaping kapahamakan lamang ang dulot sa tao at kalikasan.

“A healthy environment is a higher value than any amount of gain or money that is only temporary. On the contrary, a good environment is an invaluable treasure not only for us today but also for our children’s grandchildrenn, the future generations,” saad ni Bishop Varquez.

Humaharap ang isla ng Samar mula sa iba’t ibang mapaminsalang gawain tulad ng pagmimina na nagdulot na ng malaking pinsala sa Homonhon at Manicani Island sa Guiuan, Eastern Samar.

Tema ng naganap na Jericho Walk ang “No to Mining and Environmental Degradation in any parts of Samar”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 25,149 total views

 25,149 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 53,154 total views

 53,154 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 70,954 total views

 70,954 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 69,927 total views

 69,927 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 180,566 total views

 180,566 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MEF, nanawagan sa DENR ng pananagutan

 10,709 total views

 10,709 total views Nanawagan ng pananagutan at agarang reporma sa waste management ang Mother Earth Foundation kasunod ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill sa Barangay Tanza

Read More »
Scroll to Top