‘Cremated remains,’ babasbasan ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 781 total reads

October 2, 2020-10:52am

Magsasagawa ng pagbabasbas ng “urn” ang Minor Basilica of the Immaculate Conception Cathedral sa lahat ng linggo simula sa ika-4 ng Oktubre hanggang sa ika-8 ng Nobyembre.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Manila Cathedral, ito ay bilang tugon sa pastoral instruction ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na may titulong One with Our Deloved Dead.

“From October 4 to November 8, in all our SUNDAY Masses, we will be having the Rite of Blessing of Cremated Remains. The family may bring the urn and a picture of their beloved dead, and we will celebrate a worthy liturgical blessing for them. This is in response to the call of Bishop Broderick Pabillo to make our churches welcome places of prayer and consolation specially for families who lost a loved one in this time of pandemic,” ayon Facebook post ng The Manila Cathedral.

Bahagi ng din ng protocol sa nakakahawang sakit ang pagsusunog o pag-cremate ng mga labi ng mga namayapang nagtataglay ng Covid-19.

Hinikayat ang mga mananampalataya na dalhin ang urn at larawan ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay na babasbasan pagkatapos ng misa.

Ayon sa liham hinihikayat ang mga parokya sa Maynila na maglaan ng mas maraming misa para sa mga namayapa lalu’t pansamantalang ipasasara ang mga sementeryo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Banal at Araw ng mga Patay na karaniwang pagkakataon ng mga Filipino na dumalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.

Ito ay upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao na higit na mapanganib mula sa nakakahawang sakit.

Una na ring ipinag-utos ng Malacanang ang pagpapasara sa lahat ng mga sementeryo sa buong bansa simula ika-30 ng Oktubre hanggang sa ika-4 ng Nobyembre.

Naglabas din ang Arkidiyosesis ng Maynila ng panalangin para sa mga namayapa na maaring dasalin ng bawat pamilya sa kanilang tahanan nang hindi na kailangan pang magtungo sa sementeryo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 62,462 total reads

 62,462 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 141,399 total reads

 141,399 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 174,844 total reads

 174,844 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,142 total reads

 210,142 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,147 total reads

 434,147 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top