Kayabangan at kasakiman, bunga ng kawalan ng pakialam sa kapwa at kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 781 total reads

Pinasinayaan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Solar Power Facility ng Holy Apostles Senior Seminary sa Guadalupe Makati, ika-17 ng Septyembre.

Ayon kay Cardinal Tagle, isang magandang hakbang ito lalo na ngayong buwan na ipinagdiriwang din ang Season of Creation.

Binigyang diin ng Arsobispo ng Maynila na ang paggamit sa natural resources bilang alternatibong pinagkukunan ng enerhiya ay pagpapakita ng pagmamahal at malasakit sa kalikasan.

Iginiit ni Cardinal Tagle na kapag nawala na ang pakialam ng tao sa kapwa nito at sa kalikasan ay nagsisimulang maghari ang kayabangan at kasakiman.

Babala ng Cardinal, ang dalawang ito ang nagiging sanhi upang maglaho ang pagpapahalaga ng tao sa lahat ng nilikha ng Panginoon.

“When caring is no longer appreciated as a human value, when being caring is replaced by carelessness, I could care less, when caring is replaced by greed, by pride, when caring is thrown away, when caring disappears, even human beings are thrown away, values are thrown away.” Pahayag ni Cardinal Tagle.

Dahil dito, ipinaalala ng Cardinal na mahalagang maibalik ang kultura ng pagkalinga at pagpapahalaga hindi lamang sa kalikasan kungdi maging sa kapwa tao.

Nilinaw ng Kardinal na kapag tiningnan ang tao bilang isang kasangkapan lamang ay madali na ding gawing kasangkapan at sirain ang kalikasan.

Tiwala si Cardinal na sa maliliit na hakbang tulad ng paggamit ng Solar Power Facility ay nakatutulong ito upang mapanumbalik ang “Culture of Caring.”

“This little acts and our blessing today is one of those actions that must be encouraged in order to really build up a whole culture of caring. We need to recover the spirituality, gratitude for the creator, appreciation for the gift of creation, and recover our vocation to be stewards and care givers.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ang Solar Power Facility ng Holy Apostles Senior Seminary ang kauna-unahan sa lahat ng seminaryo sa Archdiocese of Manila.

Nakalilikha ito ng 22.32kilowatt peak at maaaring mapunan ang halos 43% ng day time electric consumption ng buong institusyon.

Una nang hinamon ng Kanyang Kabanalan Francisco sa encyclical na Laudato Si ang mga pinuno ng bawat bansa na lumikha ng polisiyang magtatakdang palitan ng renewable energy ang paggamit ng maruruming fossil fuels na sumisira sa kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 56,242 total reads

 56,242 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 135,553 total reads

 135,553 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 168,998 total reads

 168,998 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 204,296 total reads

 204,296 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 428,562 total reads

 428,562 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,784 total reads

 37,784 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,673 total reads

 30,673 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top