Huwag padadaig sa takot.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,750 total reads

Hindi dapat maging hadlang ang anumang takot upang gampanan ng bawat isa ang kani-kanilang tungkulin sa buhay at bansa.

Ito ang inihayag ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa problema ng kaayusan, kapayapaan at karahasan na nagaganap hindi lamang sa Negros island kundi sa buong bansa.

Ipinaliwanag ng Obispo na bagamat normal lamang na makadama ng takot mula sa iba’t ibang-banta sa buhay at kaligtasan ay hindi dapat ito maging hadlang sa pagsusulong ng kapayapaan, katotohanan at misyong iniatang ng Panginoon para sa bawat isa.

Inihalimbawa ni Bishop Alminaza ang pagkakadawit ng mga lingkod ng Simbahan sa kasong sedisyon laban sa pamahalaan ay patuloy pa ring matapang na naninindigan para sa katotohanan at katarungan.

“Nakakatakot talaga pero yung sabi ko talagang bahagi ito kung talagang ginagawa lang naman natin ay sa pagsunod kay Kristo, tama naman yung ginagawa natin, wala naman tayong ginagawang masama o mali, tama nga bilang tao matakot tayo. Pero sana naman huwag nating hintuin yung dapat nating gawin bilang mamamayan, bilang Kristyano, bilang Filipino. Halimbawa kahit kaming mga Pari, kaming mga Obispo kahit may mga sinasampahan ng kaso na kinakasuhan kami, ina-accuse kami, iba sa amin nire-red tagging ay patuloy pa rin naming gawin ang dapat naming gawin”.pahayag ni Bishop Alminaza sa pahayag sa Radyo Veritas.

Sa tala mula taong 2017, mahigit na 85-indbidwal ang napapaslang sa Negros island na magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabibigyang katarungan.

Matatandaang ika-28 ng Hulyo ng magsimula ang papatunog ng kampana sa buong Diocese of San Carlos.

Read: Karahasan sa Negros island, hindi pa rin nasusupil
Diocese ng San Carlos, kaisa sa National Day of Mourning laban sa karahasan at kawalang katarungan

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 17,044 total reads

 17,044 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 51,546 total reads

 51,546 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 88,028 total reads

 88,028 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 106,240 total reads

 106,240 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 189,690 total reads

 189,690 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top