Mamamayan, hinimok na ipagdasal ang mga pinuno ng bansa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 562 total reads

Hinimok ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang publiko na patuloy ipanalangin ang mga namumuno sa bayan at sa Simbahan.

Sa pagninilay ng Obispo sa sulat ni San Pablo kay Timoteo sinabi nitong ipagdasal ang mga mga hari at namumuno upang mamuhay ang bawat mamamayan sa matiwasay at mapayapang pamayanan.

Inihayag ni Bishop Uy na mahalagang ipanalangin ang bawat namumuno para sa ikatatagumpay ng kanilang mabuting adhikain sa lipunan.

“Mga igsoon kinahanglan nga mag-ampo gyud kita sa atong mga leaders kay dili baya gyud sayon [Mga kapatid kailangan nating ipagdasal ang ating mga leaders sapagkat hindi madali ang mamuno.]” pagninilay ni Bishop Uy.

Iginiit ni Bishop Uy na ang pagiging pinuno ay isang bokasyon na maging mabuting katiwala ng Panginoon sa kanyang kawan.

Kaya’t hamon nito sa bawat pinuno ng bayan at ng Simbahan na isapuso at isaisip ang papel na gagampanan bilang tagapamuno sapagkat ito’y inaasahan ng Diyos na maging katuwang sa pagpapastol ng sangkatauhan.

Ibinahagi rin ng Obispo na bilang mga tagasunod ay karapatan din ang punahin ang mga pinuno kung gumagawa ito ng lihis at walang dulot na kabutihan sa mamamayan.

“Mohatag ta’g mga constructive critism, maghatag pod tag suggestions; pero kinahanglan ato kanang ipadayag sa maayong panahon, lugar ug sa maayong pamaagi [Magpahayag tayo ng constructive critism, magbibigay ng suggestions pero kailangan itong ipahayag sa wastong panahon, lugar at pamamaraan.]” ani ng Obispo.

Binigyang diin ni Bishop Uy na hindi madaling trabaho at malaking responsibilidad ang pagiging pinuno sapagkat kailangan nitong pakikitunguhan ang iba’t ibang uri ng tao sa komunidad na iba-iba ang mga pangangailangan.

Umaasa si Bishop Uy na bilang mga anak ng Diyos ay magkaisa sa pagdadasal sa mga pinuno na maging mabuting pastol at ehemplo ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 54,223 total reads

 54,223 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 140,719 total reads

 140,719 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 183,756 total reads

 183,756 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 233,515 total reads

 233,515 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 392,168 total reads

 392,168 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top