Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dapat bang makialam ang Simbahan?

SHARE THE TRUTH

 1,070 total views

Mga Kapanalig, sa nakalipas na mahigit limang taon, mahigit 30,000 na ang napatay mula nang magsimula ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Kaliwa’t kanan din ang mga pagbabanta’t pagpaslang sa mga mamamahayag, pari, at kritiko. Talamak din ngayon ang kasinungalian, kabastusan, at katiwalian. Sa kabila ng mga nito, mahalagang tanungin natin sa ating mga sarili bilang mga mananampalatayang Kristiyano: ano nga bang dapat na pagtingin at pagtugon natin sa mga ito?

Kamakailan lang, binatikos na naman ang “pakikialam” daw ng Simbahan. Sa isang homilya, pinaalalahanan kasi ng Arsobispo ng Lingayen-Dagupan na si Socrates “Soc” Villegas ang kanyang mga tagapakinig na hindi pwedeng maging “neutral” sa harap ng patayan, korapsyon, at kasinungalingan. In-upload niya ang maiksing bahagi ng kanyang homilya sa kanyang Facebook page na may caption na, “when we are neutral and there is an oppression, we end up empowering the oppressors.” Gaya ng inaasahan, maraming bumatikos sa arsobispo. Magkakaiba man ang mga paraan ng pagkakasabi, iisa lang ang kanilang mensahe: hindi raw dapat nangingialam sa pulitika ang Simbahan.

Hindi lamang si Archbishop Soc ang nag-udyok sa mga mananampalatayang makisangkot sa mga isyung panlipunan. Noong Mayo, hinimok din ni Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator noon ng Arkidiyosesis ng Maynila, ang kapwa niya mga lider sa Simbahan na manindigan laban sa kasamaan sa ating lipunan. Sa isang komentaryo, sinabi naman ni Fr. Daniel “Danny” Pilario, CM, na hindi raw maaaring neutral ang kahit sinong Kristiyano… sa gitna ng patayan, pagnanakaw at pagyuyurak sa karapatan ng iba. Aniya, ang Kristiyanong sumasang-ayon at tumatahimik sa gitna ng lahat ng pagsasamantala ay kasabwat ng mga magnanakaw.

Maraming Katoliko ang hindi komportable sa mga pahayag ng ilang mga pari at mga obispo ukol sa pulitika. Ang hindi nila alam, si Hesukristo mismo ay hindi ipinagsawalambahala ang kawalang-katarungan noong panahon Niya. Sa Mateo 21:12-13, tandaan nating minsan ding nagalit si Hesus sa mga nagtitinda sa templo dahil hindi na nirerespeto ng mga tao ang tahanan ng Diyos. Nagawa niyang itaboy ang mga nagtitinda roon at itaob ang mga mesa dahil ginawa na itong palengke kung saan nananaig ang pandaraya at panlalamang sa mga tao. Sa Mateo 23:23 naman, hindi siya nagdalawang-isip na pagsabihan ang mga Tagapagturo ng Kautusan at mga Pariseo na sila ay mga mapagkunwari dahil bigo silang sumunod sa kautusang maging makatarungan, mahabagin, at maging tapat sa mga tao.

Hindi katulad ng karaniwang paglalarawan kay Hesus na maamo at handang tumanggap ng kamaliang ginagawa sa kanya, nagsasalita si Hesus laban sa pang-aapi at kawalang-katarungan dahil ito ang “pinakadahilan ng kanyang misyon.” Sa gayon, inaasahan ang Simbahan, pati na ang mga bumubuo rito, na isabuhay ang pagiging tagasunod ni Hesukristo. Ito ang panawagan sa isang pastoral letter sa Amerika para sa mga Katoliko na gamitin ang kanilang boses at boto upang magsalita kasama ang mga inaapi, upang ipagtanggol ang mahihirap at mahihina, at upang isulong ang kabutihang panlahat. Hindi maaaring maging komportable ang isang Kristiyano sa gitna ng kagutuman, kawalan ng tirahan, at kawalan ng hustisya.

Mga Kapanalig, hindi ba pagiging makasarili ang pananahimik sa gitna ng kawalang-katarungan sa lipunan? Kung nakatuon lamang ang ating pananampalataya sa ating sariling kapakanan, proteksyon, at kaligtasan samantalang marami ang biktima ng patuloy na karahasan at katiwalian, masasabi ba nating tunay tayong tagasunod ni Kristo? Hindi matatawaran ang aktibong partisipasyon ng Simbahan sa mga isyung panlipunan, lalo na’t binibigyang-boses nito ang mahihina at inaapi. Nawa’y maging malinaw sa atin na tungkulin ng Simbahang magsalita lalo na sa mga pagkakataong naisasantabi ang dangal at dignidad ng tao, dahil nais ng Diyos ang kabutihan at kapakanan ng lahat, hindi ng iilan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,621 total views

 5,621 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,594 total views

 11,594 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 17,349 total views

 17,349 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,612 total views

 24,612 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,597 total views

 32,597 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 5,622 total views

 5,622 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 11,595 total views

 11,595 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 17,350 total views

 17,350 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 24,613 total views

 24,613 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 32,598 total views

 32,598 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,440 total views

 35,440 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,444 total views

 47,444 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,486 total views

 55,486 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,043 total views

 47,043 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,468 total views

 45,468 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,254 total views

 47,254 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,179 total views

 44,179 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,493 total views

 58,493 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,183 total views

 62,183 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,786 total views

 60,786 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top