Tangkilikin ang gawang Pilipino ngayong Pasko at bagong taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 977 total reads

Mahalaga ang pagtangkilik sa mga produktong gawa sa Pilipinas na nilikha ng kapwa mo Pilipino.

Ito ang isa sa mga mensahe ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias ngayong pagdiriwang ng Pasko kung saan nakaugalian ang pagbibigayan at pamamahagi ng regalo ng bawat Pamilyang Pilipino.

“Alam niyo, kailangan nating tangkilikin ang sariling atin, kung ikaw ay Pilipino, bilin mo ang mga produkto na galing dito,” ayon sa panayam ng Radio Veritas sa Obispo.

Hinimok pa ni Bishop Tobias ang mga Pilipino na iwasan ang pagbili ng mga imported o banyagang produkto.

Ito ay upang mabigyan ng trabaho at kabuhayan ang mas marami pang Pilipinong manggagawa hinggit na ngayong isa sa mga krisis na idinudulot ng pandemya ay ang kawalan ng trabaho at pagsasara ng maraming negosyo.

“‘Wag kang bibili ng mga galing sa labas, bigyan ng pagkakataon na magkaroon ng maraming mga trabaho sa pamamagitan niyan, magkakaroon ng maraming trabaho ang ating bansa,” ayon pa sa Obispo.

Dala rin ni Bishop Tobias ang pagasang isabuhay ng bawat isa ang kasabihang “tangkilikin ang sariling atin” higit na ngayong panahon ng Pasko at pagsalubong ng bawat isa sa Bagong Taon.

“Kaya sana ang ating movement na tangkilikin ang sariling atin ay maging prinsipyo ng bawat Pilipino,” ani Bishop Tobias.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,348 total reads

 86,348 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,969 total reads

 163,969 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,417 total reads

 197,417 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,715 total reads

 232,715 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,850 total reads

 455,850 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top