Pope Francis, umaapela ng pagkakaisa para sa kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,266 total reads

Umapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa lahat ng lider ng bawat bansa at maging sa mga kapwa lingkod ng simbahan na patuloy isulong ang hakbang tungo sa pagkakamit ng kapayapaan sa lipunan.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa ika – 55 World Day of Peace na ipagdiriwang ng Simbahan sa January 1, 2022.

Binigyang-diin ni Pope Francis ang kahalagahan ng pakikipagdiyalogo sa lahat ng sektor upang matamo ang pagkakaisa ng mamamayan.

“To government leaders and to all those charged with political and social responsibilities, to priests and pastoral workers, and to all men and women of good will, I make this appeal: let us walk together with courage and creativity on the path of intergenerational dialogue, education, and work,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.

Tinuran ng Santo Papa na bukod sa diyalogo mahalagang sangkap din sa pagkakamit ng kapayapaan ang wastong edukasyon at pagtiyak sa karapatan ng bawat manggagawa sa lipunan.

Ikinalungkot ng pinunong pastol ng Simbahang Katolika ang pagbawas ng pondo sa edukasyon na maghuhubog sa mamamayan.

“It is high time, then, that governments develop economic policies aimed at inverting the proportion of public funds spent on education and on weaponry; It is my hope that investment in education will also be accompanied by greater efforts to promote the culture of care,” dagdag ng Santo Papa.

Matatandaang 2019 nang pormal na ihinto ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang kapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Patuloy ang panawagan ng Simbahan sa Pilipinas kabilang na ang iba’t ibang grupo na muling ibalik ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at makakaliwang grupo upang matamo ang pangmatagalang kapayapaan.

Dalangin ni Pope Francis na dadami ang mamamayang magtataguyod ng kapayapaan sa lipunan sa tulong at gabay ng Panginoon.

“May more and more men and women strive daily, with quiet humility and courage, to be artisans of peace. And may they be ever inspired and accompanied by the blessings of the God of peace!” ani ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,292 total reads

 86,292 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,920 total reads

 163,920 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,368 total reads

 197,368 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,666 total reads

 232,666 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,801 total reads

 455,801 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top