Dating CBCP President, nagpaabot ng pagbati at panalangin kay Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 365 total reads

Nagpaabot ng panalangin at pagbati si dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagdiriwang ng kanyang ika-72 taong kaarawan ngayong Martes, ika-28 ng Marso.

Bahagi ng panalangin ng Arsobispo ang patuloy na paggabay ng Panginoon sa Pangulo na malaki ang tungkulin at gampanin bilang pinakamataas na pinuno ng bansa.

Bukod dito, ipinagdarasal din ni Archbishop Cruz ang patuloy na pagpapala ng Diyos kay Pangulong Duterte sa kanyang mga nagawang mabuti at masama sa kanyang buhay at sa mga susunod pang taon bilang Pangulo ng bansa.

“Binabati ko siya at pinagdadasal ko siya, mahirap po yung kanyang katungkulan meron po siyang syempre mga nagawang mabuti, meron ding mga gawaing hindi katanggap-tanggap so sana pagpalain siya ng Diyos sa mga darating pang panahon na siya’y nakaluklok bilang Pangulo. Sana po ang Panginoon ay gabayan siya sapagkat malaki po ang kanyang gawain, malalim po ang ibig sabihin ng kanyang tungkulin kaya po mas lalong higit niya kailangan ng Diyos sa ganyang mga pagkakataon yun lamang naman po at maligayang birthday sa kanya…” pagbati ni Cruz sa panayam sa Radio Veritas.

Nanumpa sa katungkulan noong ika-30 ng Hunyo, 2016 si Pangulong Duterte bilang ika-16 at pinakamatandang naging Presidente ng Republika ng Pilipinas sa edad na 71-taong gulang at siya ring unang Pangulo mula sa Mindanao.

Ang Pangulong Duterte ay nahaharap sa kaliwat-kanang batikos dahil sa madugong kampanya kontra droga.

Samantala, sa kabila ng suporta ng Simbahang Katolika sa mga sa adhikain at layunin ng Administrasyong Duterte sa pagsasaayos ng bansa ay mariin naman nitong tinututulan ang ilang sa mga panukalang batas na itinuturing na ‘death bills’ na nais ipatupad ng administrasyon partikular na ang pagbabalik ng Capital Punishment na Death Penalty at pagpapababa ng Criminal Liability Age ng mga kabataan mula edad 15-taong gulang pababa ng 9 na taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 87,176 total reads

 87,176 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 134,215 total reads

 134,215 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 182,086 total reads

 182,086 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 286,034 total reads

 286,034 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 368,207 total reads

 368,207 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top