6,326 total views
Pinalalakas ng Helport AI ang industriya ng debt collection sa bansa gamit ang kanilang AI-powered solutions na nagtatakda ng bagong pamantayan sa kahusayan, pagsunod sa regulasyon, at pangmatagalang pag-unlad.
“Collection cycles have now been shortened by 30–40%, operating costs have been reduced by 20–35%, and compliance disputes have been cut by more than 50%,” ayon sa Helport AI.
Patunay ito na nakatutulong ang AI hindi lamang sa pagpapabilis ng proseso kundi maging sa pagbibigay ng mas maganda at episyenteng resulta para sa mga kliyente.
Matapos ang matagumpay na paglulunsad sa Pilipinas, lumago institusyon sa bansa at kasalukuyang nagsisilbi sa mga fintech innovators hanggang sa mga tradisyunal na bangko.
“This move reflects Helport AI’s belief in Filipino talents and its vision to empower everyone to ‘work like an expert through AI,” giit ng institusyon.
Pinalalakas din ng Helport AI ang kanilang pamumuno sa industriya sa pamamagitan ng next-generation compliance framework na may kasamang real-time AI quality inspection, dynamic knowledge graphs, at end-to-end process intelligence.
Layunin nitong matiyak ang mahigpit na pagsunod sa parehong lokal at pandaigdigang regulasyon.
Sa tulong ng multi-language AI platforms, intelligent agents, at automation, ginagawang mas mabilis, kontrolado, at tuloy-tuloy ang proseso ng serbisyo, na nagbubunga ng higit na benepisyo para sa mamamayan.






