Ministry with Person in Street Dwelling, itinatag ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,376 total reads

Itinatag ng Archdiocese of Manila ang Ministry with Persons in Street Dwelling Situations bilang tugon sa panawagan ng simbahan na maging “simbahan ng mga dukha.”

Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, ang bagong ministeryo ay magsisilbing katuwang ng mga mahihirap at hindi lamang bilang benepisyaryo ng simbahan.

“The Church is called to unite herself in the lived struggles of persons in street-dwelling situations—the silently suffering Lazarus of our time, cast aside into the margins of cities that feast,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Itinalaga ng kardinal si Fr. Francisco Nicolás Magnaye Jr., CM, isang Vincentian missionary, bilang unang tagapangasiwa ng ministeryo.

Tiwala ang cardinal sa kakayahan ni Fr. Magnaye dahil sa karisma ng kanilang kongregasyon sa pagkalinga sa mga mahihirap at mga nasa lansangan, ayon sa halimbawa ni San Vicente de Paul.

Binigyang-diin ni Cardinal Advincula na nakaugat ito sa Catholic Social Teaching, na nagsusulong ng karapatan at dignidad ng bawat tao, lalo na ang mga kabilang sa pinakamahihina at madalas na biktima ng kawalang-katarungan.

“There is a need to create and establish a multi-sectoral support system that helps persons in street-dwelling situations transition away from street life to empowered, self-sufficient communities fully integrated into the Church and society,” dagdag ng kardinal.

Batay sa datos ng DePaul International, isa sa mga organisasyon ng Vincentian Family, tinatayang mayroong 4.5 milyong homeless sa Pilipinas, kung saan halos two-thirds ay nasa Metro Manila.

Tiniyak ng arsobispo na patuloy na kikilalanin at pagtutuunan ng pansin ng simbahan ang mga nasa lansangan at iba pang mahihinang sektor ng lipunan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 46,238 total reads

 46,238 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 160,766 total reads

 160,766 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 246,135 total reads

 246,135 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 292,874 total reads

 292,874 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 340,741 total reads

 340,741 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 436,706 total reads

 436,706 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top