Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 278 total views

Homiliya Para sa Huwebes ng Ikatlong Linggo ng Kuwaresma, Ika-24 ng Marso 2022, Lk 11:14-23

Ito na siguro ang pinakamatinding Kuwaresmang naranasan ko sa buong buhay ko. Dati, parang ritwal lang ang paglalagay ng abo sa noo sa simula ng Kuwaresma. Itong taóng ito, dumagsâ ang mga tao sa simbahan, napuno pati ang mga patio at mga kalsada. Matapos na maging abo ang marami sa mga mahal natin sa buhay na namatay dahil sa Covid19 at na-cremate, biglang nagkaroon ng matinding kahulugan ang abo.

Lalo pang tumindi ang kahulugan nito nang totohanin ng Russia ang paglusob nito sa Ukraine at biglang nagkatotoo ang matinding peligro na baka nga pumutok ang isang Third World War. At kapag nagka-iringan ang mga world powers sa pagpapasabog ng nuclear weapons sa mga kalaban nila, baka sa isang iglap ay pulbusin nila ang isa’t isa at gawing abo ang buong mundo.

Kahapon naramdaman ko ang paghihinagpis ni Pope Francis sa kanyang Wednesday public audience sa Roma. Tinawag niyang isang KABALIWAN ang giyera. Kitang-kita sa kanyang mukha at sa mga malalalim na buntong-hininga niya ang matinding pagkabahala sa takbo ng mga pangyayari sa daigdig na tila ba wala nang makapipigil.

Parang siya si Moises sa ating unang pagbasa—walang magawa sa katigasan ng puso ng bayang Israel. Para daw silang mga hibang, mga wala sa sarili, mga sarado ang tainga sa tinig ng Diyos. Mga ayaw magpasaway, ayaw magpagabay, tumalikod sa Diyos at gumawa ng sariling lakad na ang direksyon ay patungo sa bangin ng kapahamakan.

Naalala ko tuloy iyong isang linyang kinakanta natin sa BAYAN KO. Ngayon, ang para bang naiiisip kong kumakanta ay hindi ang bayan kundi ang Diyos. Siya ang umaawit sa kanyang bayan at nagsasabing, “BAYAN KO, BINIHAG KA“. Pwedeng palitan ang binihag sa binulag: BAYAN KO, BINULAG KA, NASADLAK SA DUSA.” Di ba parang mas akma sa atin?

Ganito rin ang datíng ni Hesus sa ebanghelyo—mabuti na ang ginagawa, masama pa rin ang nakikita ng mga taong ayaw maniwala sa kanya. Ang Espiritu Santo ang kumikilos sa mga taong napapagaling ng kanyang haplos, pero dimonyo pa rin ang kanilang nakikita. Ni wala na silang kakayahang kumilatis ng mabuti at masama, ng mali at tama.

Nakakatakot ang warning ni Hesus sa may dulo ng ebanghelyo. Parang ganito rin ang pahiwatig ni Pope Francis kahapon sa mga bansang nag-aakalang mga armas ang magbibigay sa kanila ng proteksyon, o mga sandata ang magbibigay sa kanila ng kapayapaan.

Pwede nating i-paraphrase nang kaunti ang sinabi niya, “Kung akala mo malakas ka dahil marami kang mga armas, tangke, mga fighter jetplanes at mga missiles, baka magulat ka na lang kapag biglang sinakop ka ng isang bansang mas makapangyarihan sa iyo—na bukod sa armas, tangke, jetplanes at missiles, ay meron pang nuclear at biochemical weapons of mass destruction.

Dahil hindi na makuha sa dimplomasya at negosasyon ang solusyon sa giyera, kumambyo si Pope Francis. Ibang klase nang giyera ang kanyang pinaghahandaan. Ito yung tinawag ko kahapon na “spiritual warfare”. Bukas, March 25, Feast of the Annunciation o Pagbati ng anghel kay Mama Mary, pamumunuan niya mula sa Roma ang lahat ng mga diocese at parokya sa buong daigdig upang i-consecrate ang Russia at Ukraine kay Mama Mary, ang ating prayer warrior number one.

Kahit parang malayo sa atin ang Russia at Ukraine, damay tayong lahat sa gulong ito. Kaya kailangan tayong lumaban sa ibang klaseng labanan. Sabi nga ni San Pablo sa Ephesians 6:12, “Ang kalaban natin ay hindi tao kundi mga masamang espiritu (na kumikilos sa) mga pinuno, mga may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito.”

Gagawin natin ito sa Cathedral bukas sa ating Misang 6pm na susundan ng isang paglalamay pagkatapos ng Misa sa Eucharistic vigil hanggang 1am. Sana ho magsama-sama tayo.

Mga kapatid, ang nangyayari ngayon sa Ukraine ay pwede ring mangyari sa atin sa Pilipinas. Tatlong beses na tayong sinakop ng mga dayuhang bansa—mga Espanyol, mga Amerikano at mga Hapon. Kung ano ang Ukraine sa Russia, ganyan ang Taiwan sa China. At hindi naman lingid sa atin na nakaabang na rin ang China sa may bakuran natin sa may West Philippine sea kung saan nagtayo na sila ng mga military installations.

Ipagdasal din natin sila bukas. Ipagdasal natin na hindi humantong ang tensiyon na ito sa pagkakampi-kami nila. Ipanalangin na hindi mamayani sa kanila ang tikisan, ang takutan, hamunan, at tagisan ng armas at lakas militar dahil sa mga pangamba tungkol sa seguridad.

Isama na rin natin sa ating panalangin bukas ang nalalapit na eleksyon. Hingin natin nang marubdob sa Diyos na bigyan niya ang mga Pilipino ng karunungan at kakayahang pumili ng nararapat na lider para sa ating bayan na magbibigay sa atin ng tamang direksyon sa panahong ito ng matinding krisis na pandaigdigan.

Hilingin natin sa bisa ng panalangin ng ating Mahal na Ina at sa pamamagitan ni Hesukristong ating Panginoon, managumpay sa daigdig ang Espiritu ng kabutihan laban sa puwersa na kasamaan, na sa ngalan ni Hesus mapalayas natin ang mga dimonyong nagpapabingi at bumubulag sa mga mamamayan sa lahat ng mga bansa lalo na sa pamamagitan ng social media.

Ipakiusap natin na mabuksan ang mga puso ng sangkatauhan upang marinig ang tinig ng Diyos at makita ang kamay na aakay sa atin patungo sa isang mundong mas payapa, sagana at mabiyaya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 6,367 total views

 6,367 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 17,498 total views

 17,498 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 42,859 total views

 42,859 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 53,474 total views

 53,474 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 74,328 total views

 74,328 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Online gambling, kinundena ng CBCP

 3,236 total views

 3,236 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Listahan ng mga bagong opisyal ng CBCP

 11,367 total views

 11,367 total views Kasabay ng paghalal sa mga bagong pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ay naghalal din ng mga bagong chairperson sa mga

Read More »

RELATED ARTICLES

CHRIST IN US

 4,720 total views

 4,720 total views Homily for Fri of the 11th Wk in OT, 20 June 2025, 2Cor 11, 18, 21-30 & Mt 6, 19-23 What do we

Read More »

“TANGING YAMAN”

 13,366 total views

 13,366 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Antonio de Padua, 13 Hunyo 2025, 2 Cor 4:7-15, Mat 5:27-32 Noon huling pyesta na nagmisa ako

Read More »

THE SPIRIT AND US: Partners in Mission

 12,385 total views

 12,385 total views Homily for the 6th Sunday of Easter, 25 May 2025 Readings: Acts 15:1–2, 22–29; Revelation 21:10–14, 22–23; John 14:23–29 Thank you all for

Read More »

TEARS

 22,425 total views

 22,425 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »

PAGSALUBONG

 24,781 total views

 24,781 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 35,338 total views

 35,338 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »

KAIN NA

 18,616 total views

 18,616 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »

FULFILL YOUR MINISTRY

 15,230 total views

 15,230 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »

KAPANATAGAN NG LOOB

 22,741 total views

 22,741 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »

“HUDYO” AT “ROMANO”

 10,918 total views

 10,918 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Scroll to Top