Dinidinig ng Panginoon ang ating panalangin -Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 747 total reads

Ipanalangin ang mabuti, marangal at kalugod-lugod sa Panginoon.

Ito ang paalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya sa pinangunahang banal na misa sa Our Lady of Fatima Parish, Mandaluyong noong ika-10 ng Oktubre, 2019.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang panalangin ay isang misteryosong pamamaraan ng pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan sa Panginoon.

Sinabi ng Kardinal na kalimitang hinihiling ng mga tao ang personal nilang kagustuhan, kaya inaakala ng marami na hindi ito tinutugunan ng Panginoon.

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang bawat panalangin ay sinasagot ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo at alam nito ang higit na makabubuti sa bawat isa.

“Akala natin hindi sumasagot ang Diyos, sumasagot, ang binibigay N’ya Espiritu Santo. Kalimitan yun hinihingi natin akala natin yun ang mabuti pero baka may nakikita ang Diyos na mas ikabubuti natin. Sa pakiramdam natin hindi tayo dinidinig, hindi, dinidinig tayo sa kanyang pamamaraan. At ibinibigay sa atin kung ano ang sa tingin N’ya makabubuti sa atin.” pagninilay ni Cardinal Tagle.

Dahil dito, inihayag ni Cardinal Tagle na marapat laging mabuti, marangal at kalugod-lugod sa Panginoon ang maging panalangin ng mga mananampalataya.

Sinabi ni Cardinal Tagle na ang pananalangin din ay pamamaraan ng pagbitiw sa pansariling mga kagustuhan ng tao.

Hiniling nito sa mananampalataya na sa pananalangin ay maging katugma ng saloobin ng tao ang kabutihan ng kalooban ng Panginoon.

“Pagtayo’y nananalangin sana magkatugma ang hinahanap ng ating kalooban at hihilingin sa Diyos sa talagang mabuti, marangal, makatarungan, kung ano ang kalugod-lugod sa Diyos. Ang panalangin ay exercise ng pagbitaw, pagtalikod sa mga sarili nating programa, sa mga sarili nating kagustuhan… Let go, at S’ya ang mapangyayari. Puso sa puso at ang puso natin tatalima sa puso ng Diyos. Meron tayong plano in our mind, merong story na gusto natin, pero maybe God has a better story to tell.” Pahayag ni Cardinal Tagle

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 27,839 total reads

 27,839 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 66,021 total reads

 66,021 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 101,321 total reads

 101,321 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 327,590 total reads

 327,590 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 219,255 total reads

 219,255 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,915 total reads

 35,915 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,805 total reads

 28,805 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top