Taguig, low compliance sa sidewalk clearing directive

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 432 total reads

Nagpasalamat ang Department of the Interior and Local Government sa mga lokal na pamahalaan dahil sa pakikiisa sa kampanyang linisin ang mga sidewalk sa buong bansa upang magamit ng mamamayan.

Sa pulong balitaan ng ahensya, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na sa kabila ng mga hamong kinakaharap sa pagpatupad ng Memorandum Circular 2019 – 121 ay malaking porsyento sa mga lokal na pamahalaan sa bansa ang nakiisa sa layunin ng administrasyong Duterte.

“I want to express my happiness for the commitment and active participation by LGUs accross the country towards this campaign,” pahayag ni Año.

Ayon kay Ano, ibinatay sa apat na kategorya ang paghatol sa mga Local Government Units (LGUs) kung nakasusunod ba ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una rito ang high compliance para sa mga malaking bahagdan ang pagbabagong nakikita sa lugar, medium compliance sa mga LGUs na ipinagpatuloy pa ang paglilinis, low compliance naman sa mga LGUs na kung saan sumusunod subalit nangangailangan pa ng malaking pagbabago sa pamamaraan ng pagpatupad sa kautusan at non-compliance o failed sa mga bigong tumugon sa panawagan ng ahensya.

Batay sa ulat ng DILG nasa 1, 245 LGUs sa buong bansa ang tapos na ang pagsusuri ng ahensya kabilang na ang Metro Manila habang patuloy pa ang evaluation sa nalalabing 388 mga lokal na pamahalaan.

Sa Metro Manila naitala ang 13 lungsod ang kabilang sa high compliance ang Marikina, San Juan, Mandaluyong, Caloocan, Malabon, Las Piñas, Pasay, Valenzuela, Makati, Pateros, Parañaque, Navotas; sa medium compliance naman ang Quezon City, Pasig, Manila, at Muntinlupa habang ang Taguig naman ay low compliance.

Sa kabuuang mga pangunahing kalsada sa Metro Manila 612 mga kalsada ang nalinis mula sa mga nakaharang at muling nadaanan ng mamamayan at sasakyan o katumbas sa 75 porsyento sa kabuuan.

Sinabi pa ng DILG na mahaharap sa kaukulang parusa sa Ombudsman ang mga LGUs na bigong ipatupad ang kautusang ibalik sa tao ang mga sidewalk sa buong Pilipinas.

Ngayong araw na ito nakatakdang ipalabas ang show cause order para sa inisyal na 97 LGU na non-compliance.

Tiniyak din ng kagawaran na ipagpatuloy ang nasimulang clearing operations upang manatiling maluwag at malinis ang mga lansangan habang tututukan din sa susunod ang mga tertiary roads kabilang na ang mga subdivision.

Batay sa pahayag ng Metropolitan Manila Development Auhtority nasa 40 hanggang 60 porsiyento nakatutulong ang road clearing operations na ikinasa ng DILG sa pagpaluwag ng daloy ng trapiko sa Metro Manila lalo na sa mga Mabuhay lanes.

Umaasa naman ang Simbahang Katolika na kasabay ng mga pag-unlad sa bayan ay ang pagsulong ng pamumuhay ng mamamayan nang may paggalang sa karapatan at dignidad lalo na sa mga maliliit na sektor ng lipunan.

Bishop Presto, nakiisa sa mga binaha

 5,854 total reads

 5,854 total reads Nakikiisa si San Fernando-La Union Bishop Daniel Presto sa mga Pilipinong nakararanas ng matinding pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon, habang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 40,764 total reads

 40,764 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 125,136 total reads

 125,136 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 162,510 total reads

 162,510 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 193,768 total reads

 193,768 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 264,775 total reads

 264,775 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top