Diocese ng Borongan,nanawagan ng dasal at tulong sa mga biktima ng baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Inihahanda na ng Diocese of Borongan ang tulong sa mga pamilya na naapektuhan ng pagbaha sa lalawigan ng Eastern Samar.

Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, hinahanda na ng kanilang Social Action Center ang pagpapadala ng may 500 sako ng bigas at iba pang mga relief items para sa mga sinalanta ng pagbaha dahil sa ilang araw na pag-ulan sa lalawigan.

Hinikayat rin ni Bishop Varquez ang local na pamahalaan na agad tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya lalo na’t nalalapit na ang araw ng Pasko.

Umapela din ng pagdarasal ang Obispo para sa mga naapektuhan ng pagbaha at masamang panahon.

“We pray for the people who are affected of flooding hopefully we can respond locally para matulungan sila lalo na at magpapasko,” pahayag ni Bishop Varquez sa panayam, ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, inihayag ng OCD-Region 8 na umabot na sa mahigit 31 libong pamilya ang apektado ng pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng Eastern Visayas.

Kasalukuyan namang binabantayan ng PAGASA ang isang bagyo na nasa silangan bahagi ng bansa.

Posible itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong gabi o bukas at tatawaging bagyong Nina, ang ika-14 na bagyo sa bansa ngayong taong 2016.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top