Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese ng Kalookan, nagbabala sa kumakalat fake FB account

SHARE THE TRUTH

 283 total views

Nagbabala ang Diocese of Kalookan sa pekeng facebook account na gumagamit ng larawan at pangalan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Sa facebook Post ng Roman Catholic Diocese of Kalookan, inihayag nitong nagpapadala ng mensahe sa facebook ang account na mayroong mukha at pangalan ni Bishop David upang manghingi ng donasyon.

Idinahilan ng pekeng account na si Bishop David ay nasa Cebu at nais nitong bilhin ang isang tabernakulo upang ipalit sa lumang ginagamit sa Obispado ng Kalookan.

Ayon pa sa pekeng FB account, kailangan ng P50,000 halaga upang mabili niya ito, at kailangan mabili hanggang sa Huwebes dahil babalik na siya ng Diocese of Kalookan sa Biyernes ika-22 ng Nobyembre.

Nagpadala pa ng larawan ng sinasabing tabernakulo ang pekeng account upang mapaniwala ang pinadadalhan nito ng mensahe.

Nag-post din ng paalala si Bishop David sa kanyang tunay na Facebook account na huwag pansinin at huwag magpaloko sa nagpapadala ng mensahe at nanghihingi ng donasyon.

Nilinaw ng obispo na wala siya sa Cebu at hindi siya nang hihingi ng donasyon upang bumili ng mamahaling tabernakulo.

“FAKE ACCOUNT, BEWARE. Friends have been texting me to confirm if I was in Cebu and if I was really raising funds for the purchase of a tabernacle there. Please ignore those messages. I am not in Cebu and I am not raising funds to buy an expensive tabernacle. Somebody created a fake FB account using my photo and has been sending private messages to my friends using that account. Please don’t get swindled by that impostor.” Pahayag ni Bishop David sa kan’yang Facebook post.

Matatandaang nagkaroon din ng ganitong insidente ng panghihingi ng donasyon na ginamit naman ang e-mail ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Pinaaalalahanan ang mga mananampalataya na mag-ingat at maging mapanuri upang hindi mabiktima ng ganitong panloloko.

 

Mga litrato mula sa post ni Bishop David:

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG OMBUDSMAN

 41,466 total views

 41,466 total views Isang buwan ng pinag-uusapan sa bawat sulok ng Pilipinas ang multi-bilyong pisong “Flood control projects” fiasco. Ito na ang maituturing na “mother of

Read More »

JOBLESS

 58,563 total views

 58,563 total views Nakakalungkot na reyalidad sa ating bayan, napaka-mahal ang edukasyon, butas-butas ang bulsa ng mga magulang upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga anak, makapagtapos

Read More »

Cha-cha talaga?

 72,795 total views

 72,795 total views Mga Kapanalig, umuugong na naman ang panukalang amyendahan ang ating Saligang Batas.  Isa sa mga nagbunsod nito ay ang hindi pagkakasundo ng mga

Read More »

Mga mata ng taumbayan

 88,526 total views

 88,526 total views Mga Kapanalig, mainit na usapin pa rin ngayon ang mga maanomalyang flood control projects. Bilyun-bilyong piso kasi ang inilalaan ng ating pamahalaan para

Read More »

Bumabaha sa katiwalian

 107,025 total views

 107,025 total views Mga Kapanalig, hindi lang dismayado si Pangulong Bongbong Marcos Jr sa mga anomalyang nakapalibot sa malalaking flood control projects. Galit na raw siya.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Crypt ni Cardinal Sin, bubuksan sa publiko

 18,609 total views

 18,609 total views Inaanyayahan ng Manila Cathedral ang lahat na makibahagi sa paggunita ng 97th birth anniversary ng ika-30 Arsobispo ng Maynila na si Manila Archbishop

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 185,772 total views

 185,772 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 129,618 total views

 129,618 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top