#RedWednesday campaign, panawagan na wakasan ang pang-uusig dahil sa pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 531 total reads

Inihayag ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña na dapat paigtingin ang pagkakamit ng kalayaan sa pagpili ng relihiyon upang mawakasan na ang suliranin ng pag-uusig ng dahil sa pananampalataya.

Ayon kay Bishop Dela Peña mahalagang magkaisa ang mamamayan na manindigan para sa mga inuusig dahil sa kanilang pananampalataya at tulungang makabangon sa mga pinagdadaanang hamon.

“We need religious freedom that people be allowed to exercise their religion in a way that they have always been guide by their faith commitment,” pahayag ni Bishop Dela Peña sa Radio Veritas.

Ang pahayag ng obispo ay kaugnay sa nalalapit na paggunita ng Red Wednesday campaign sa inisyatibo ng Aid to the Church in Need – Philippines bilang pakikiisa sa mga inuusig na Kristiyano sa buong mundo.

Taong 2017 nang inilunsad ng ACN Philippines sa bansa ang Red Wednesday campaign kung saan isang misa ang iniaalay sa lahat ng biktima ng religious persecution at pagsindi ng kulay pulang ilaw sa labas ng mga Simbahan at ilang gusali.

Ayon kay Bishop Dela Peña na personal nakaranas ng pang-uusig makaraang naganap ang Marawi siege noong 2017, ito ang tamang pagkakataon na makipagkaisa ang mananamapalataya sa pananawagan ng kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan.

“This is one opportunity for us to take not the need; not only for Christians but also for other religion minority groups that has been persecuted,” ani ng obispo.

Itinakda ang Red Wednesday campaign sa ika-27 ng Nobyembre sa Manila Cathedral sa Intramuros na magsisimula sa Banal na Misa sa ganap na alas 6:30 ng hapon.

Ikinatuwa ng ACN Philippines na nadagdagan ang mga parokya at paaralang makikiisa ngayong taon na sa kasalukuyan ay nasa 2,000 na mula sa dating 1,136 mga institusyon noong 2018.

Batay sa 2018 Religious Freedom Report tinatayang 300 milyon ang mga Kristiyanong inuusig dahil sa kanilang pananampalataya kabilang na ang Pilipinas kung saan Enero ngayong taon nang pasabugin ang Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo ng teroristang grupo na ikinasawi ng halos 20 indibidwal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 119,689 total reads

 119,689 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 257,170 total reads

 257,170 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 372,946 total reads

 372,946 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,619 total reads

 488,619 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top