Diocese ng Kalookan, nagbabala sa kumakalat fake FB account

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,310 total reads

Nagbabala ang Diocese of Kalookan sa pekeng facebook account na gumagamit ng larawan at pangalan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David.

Sa facebook Post ng Roman Catholic Diocese of Kalookan, inihayag nitong nagpapadala ng mensahe sa facebook ang account na mayroong mukha at pangalan ni Bishop David upang manghingi ng donasyon.

Idinahilan ng pekeng account na si Bishop David ay nasa Cebu at nais nitong bilhin ang isang tabernakulo upang ipalit sa lumang ginagamit sa Obispado ng Kalookan.

Ayon pa sa pekeng FB account, kailangan ng P50,000 halaga upang mabili niya ito, at kailangan mabili hanggang sa Huwebes dahil babalik na siya ng Diocese of Kalookan sa Biyernes ika-22 ng Nobyembre.

Nagpadala pa ng larawan ng sinasabing tabernakulo ang pekeng account upang mapaniwala ang pinadadalhan nito ng mensahe.

Nag-post din ng paalala si Bishop David sa kanyang tunay na Facebook account na huwag pansinin at huwag magpaloko sa nagpapadala ng mensahe at nanghihingi ng donasyon.

Nilinaw ng obispo na wala siya sa Cebu at hindi siya nang hihingi ng donasyon upang bumili ng mamahaling tabernakulo.

“FAKE ACCOUNT, BEWARE. Friends have been texting me to confirm if I was in Cebu and if I was really raising funds for the purchase of a tabernacle there. Please ignore those messages. I am not in Cebu and I am not raising funds to buy an expensive tabernacle. Somebody created a fake FB account using my photo and has been sending private messages to my friends using that account. Please don’t get swindled by that impostor.” Pahayag ni Bishop David sa kan’yang Facebook post.

Matatandaang nagkaroon din ng ganitong insidente ng panghihingi ng donasyon na ginamit naman ang e-mail ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo.

Pinaaalalahanan ang mga mananampalataya na mag-ingat at maging mapanuri upang hindi mabiktima ng ganitong panloloko.

 

Mga litrato mula sa post ni Bishop David:

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 149,842 total reads

 149,842 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 208,008 total reads

 208,008 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 344,513 total reads

 344,513 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 456,345 total reads

 456,345 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 49,136 total reads

 49,136 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 78,668 total reads

 78,668 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 71,511 total reads

 71,511 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top