Diocese ng Tandag umaapela ng tulong sa mga nagsilikas na Lumad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 316 total reads

Umapela ng tulong ang Social Action Center ng Dicoese of Tandag para sa nagsilikas na mga katutubong Lumad dulot ng patuloy na militarisasyon sa lalawigan ng Surigao Del Sur.

Kinumpirma ni Rev. Fr. Francisco Olvis, Social Action Director ng nasabing Diocese ang pag-evacuate ng nasa 328 Pamilya o mahigit sa 1,600 mga Lumad mula sa Brgy. Diatagon, Lianga Surigao Del Sur.

Batay sa ulat, Ika-14 ng Hunyo taong kasalukuyan ng pumasok sa lugar ang mga miyembro ng 75th infantry battalion ng Philippine Army.

Sinasabi na ang presensya ng Militar sa lugar ay nagdulot ng labis na takot at pangamba para sa mga katutubo dahilan upang magsilikas ang mga ito sa isang covered court sa Diatagon, Lianga, Surigao Del Sur.

Ilan din sa mga katutubo ang pinatuloy sa isang kumbento at mga pasilidad ng Simbahang katolika kung saan sila ay kinakalinga.

Aminado si Fr. Olvis na kailangan ng ibayong suporta ng Diyosesis upang matulungan ang mga katutubong Lumad at umaasa sila na i-trato ng tama at makatao ang mga ito.

“This IP Communities are united in defending their ancestral lands from incursion of Mining. Bishop [Raul] Dael of the Diocese of Tandag visited the evacuation center last July 18. We appeal to treat them humanely.” Mensahe ni Fr. Olvis sa Radyo Veritas.

Magugunitang taong 2015 ng magsilikas ang may 3 libong mga Lumads sa Tandag City matapos na mapatay ang ilan sa mga miyembro nito.

Una na ring tumugon ang Caritas Manila at Quiapo Church sa pangangailangan ng mga nagsisilikas na mga Lumad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,457 total reads

 38,457 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 264,735 total reads

 264,735 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,200 total reads

 158,200 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,231 total reads

 252,231 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 294,644 total reads

 294,644 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 110,790 total reads

 110,790 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top