Diocese of Assisi, inimbitahan ang lahat na tunghayan ang canonization ni BL Carlo Acutis via live streaming

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,426 total views

Inaanyayahan ng Diocese of Assisi sa Italy ang lahat ng mananampalataya sa buong mundo na makibahagi sa makasaysayang Canonization ni Blessed Carlo Acutis sa darating na Setyembre 7 sa St. Peter’s Square, Vatican.

Ang buong seremonya ay mapapanood sa iba’t ibang live at broadcast platforms, kabilang ang mga screen na ilalagay sa loob ng Shrine of the Renunciation sa Assisi.

Sa opisyal na pahayag ng Diyosesis, binigyang-diin nito: “On the occasion of the canonization of Carlo Acutis, scheduled for Sunday, September 7th in St. Peter’s Square starting at 10:00 a.m., the Shrine of the Renunciation in Assisi will broadcast live from Rome on several screens located inside the Shrine.”

Bilang bahagi ng paghahanda, ipinaalala rin ng Diyosesis sa mga media personnel na ang Sala Vicari ng Bishops’ Palace sa Assisi ang magsisilbing headquarters para sa kanilang operasyon. Dagdag pa rito, hanggang Setyembre 6 ang huling araw ng aplikasyon para sa accreditation sa ilalim ng Social Communications Ministry.

Matapos ang canonization, magsisimula ang isang buwang serye ng thanksgiving masses simula Setyembre 8 sa Roma, na pangungunahan ni Cardinal Marcello Semeraro, Prefect of the Dicastery for the Causes of Saints. Sa parehong araw, gaganapin din ang isang misa sa Church of Santa Maria Maggiore sa Assisi sa pangunguna ni Bishop Domenico Sorrentino ng Diocese of Assisi – Nocera Umbra – Gualdo Tadino at Foligno.

Ayon sa pahayag: “On Monday, September 8th, the Mass of Thanksgiving presided over by the Bishop… will begin at 6:00 p.m. in the Church of Santa Maria Maggiore – Shrine of the Renunciation in Assisi.”

Ang mga misa ng pasasalamat ay magpapatuloy sa iba’t ibang simbahan sa Roma at Italy hanggang Oktubre 12, ang mismong kapistahan ni Blessed Carlo Acutis.

Matatandaang naantala ang canonization mula sa orihinal na petsa nitong Abril 27, 2025, bunsod ng pagpanaw ni Pope Francis noong Abril 21.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 28,462 total views

 28,462 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 202,396 total views

 202,396 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 180,029 total views

 180,029 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 243,116 total views

 243,116 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 260,807 total views

 260,807 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Donation campaign, isinagawa ng CWS

 118 total views

 118 total views Idinadaos na ng Church People Workers Solidarity o CWS ang donation drive para sa may tatlong-libong pamilyang nasunugan sa Parola Compound Binondo Manila.

Read More »

EILER, nagbabala sa Pax Silica agenda

 141 total views

 141 total views Nagbabala ang labor group na Ecumenical Institute for Labor Education and Research o EILER laban sa “Pax Silica” agenda sa Pilipinas. Pinangangambahan ng

Read More »
Scroll to Top