Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Baguio, tutol na buksan sa mga turista ang lungsod

SHARE THE TRUTH

 337 total views

Mas makabubuting hindi muna buksan sa mga residente ng Luzon ang Baguio City.

Ito ang naging pahayag ni Baguio Social Action Director Father Manuel Flores hinggil sa pagpapahintulot na buksan na ang lungsod sa mga turista ng Luzon sa gitna ng banta ng COVID-19.

Ayon kay Fr. Flores, ang Baguio City ay pumapangalawa sa mapanganib na lugar kung saan may mga kaso ng COVID-19.

“It would be better not yet to open Baguio City for the whole Luzon. Baguio City is ranked 2nd high risk area given the cases it is encountering daily,”pahayag ni Fr. Flores sa panayam ng Radyo Veritas.

Sang-ayon naman ang pari na buksan ang lungsod sa mga residente lamang ng Region 1 at Cordillera Administrative Region upang makatulong sa muling pagbangon ng ekonomiya gayundin ang kaligtasan laban sa virus.

“I would go for the opening of the city to Region 1 and Cordillera areas so as to help out in the economy,” ayon sa pari.

Naunang nagbabala ang University of the Philippines OCTA Research Group, na ang hospital occupancy ng lungsod ay aabot na sa 70 percent critical level bunsod ng natatanggap na mga pasyenteng may virus mula sa iba’t ibang lugar.
Ayon naman kay Baguio City Mayor at contact tracing czar Benjamin Magalong, hanggang 300 mga turista muna ang papahintulutang makapasok ng lungsod.

Paiikliin din ng lungsod ang curfew hours sa alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-4 ng umaga.

Batay naman sa Catholic Social teaching, bagamat pinapahintulutan ng simbahan na kumita ang isang mamumuhunan, kinakailangan na ang negosyo nito ay hindi nagdudulot ng kapahamakan sa kalusugan o sa buhay ng tao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 42,846 total views

 42,846 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 72,927 total views

 72,927 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 86,940 total views

 86,940 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 105,255 total views

 105,255 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CLCNT, dismayado sa Korte Suprema

 407 total views

 407 total views Dismayado ang Church Leaders Council for National Transformation (CLCNT) sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagdeklarang unconstitutional ang impeachment laban kay Vice

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 20,735 total views

 20,735 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567