Kaligtasan ng mamamayan sa bagyong Dante, ipinagdarasal ni Bishop Villarojo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,081 total reads

Hinikayat ni Malolos Bishop Dennis Villarojo ang mga mananampalataya na magalak sa pag-asang hatid ni Hesus sa kabila ng mga pagsubok dulot ng mga sakuna at kalamidad.

Ayon kay Malolos Bishop Dennis Villarojo, hindi pa man lubusang nakababangon ang diyosesis sa mga tinamong pinsala mula sa epekto ng nagdaang Bagyong Crising at hanging Habagat, nagbabanta naman ang binabantayang Bagyong Dante at Emong.

“Sa mga sandaling ito, maaaring inuunawa natin kung ano ang kahulugan ng pag-asa dahil tila walang katapusan ang ating pagdurusa, lalo na ang mga lubos na nasalanta,” pahayag ni Bishop Villarojo.

Sa kasalukuyan, lubog pa rin sa baha ang ilang parokya, partikular sa Bulacan—kabilang ang mga lungsod ng Meycauayan at Malolos, at mga bayan ng Bocaue, Hagonoy, Obando, Calumpit, Guiguinto, Marilao, at Balagtas—gayundin sa Lungsod ng Valenzuela, bunsod ng walang patid na pag-ulan.

Sinabi ni Bishop Villarojo na bagamat may krisis, patuloy na naipadarama ni Hesus ang kanyang presensya sa pamamagitan ng Banal na Eukaristiya at pagtulong sa mga higit na nangangailangang nasalanta ng kalamidad.

“Minamahal na bayan ng Diyos, ang pag-asa natin ay si Hesus…na patuloy nating tinatanggap lalo na sa Banal na Misang ipinagdiriwang kahit lubog sa baha ang ilan nating simbahan. Si Hesus na kumikilos sa pagkatao ng mga tumutulong sa mga nasalanta – nagbibigay ng damit at pagkain, nagpapatuloy sa mga walang masilungan, at sumasagip sa mga nasa panganib,” ayon kay Bishop Villarojo.

Ibinahagi naman ng obispo na nauna nang nagpaabot ng tulong ang Diocesan Commission on Social Action (CSA), at nanawagan ding ipagpatuloy ito sa pamamagitan ng Parish CSA, gayundin ang pagbubukas ng mga kapilya at simbahan para sa mga walang matuluyan.

Nagpasalamat din si Bishop Villarojo sa patuloy na nagpapaabot ng tulong, maging sa mga kinauukulan upang matugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta.

“Kayo ang mukha ng pag-asang nasasalig kay Hesus,” ayon sa obispo.

Dalangin naman ng obispo ang patuloy na kaligtasan ng lahat at ang sama-samang paglalakbay tungo sa pagbangon upang muling makamtan ang liwanag ng pag-asa mula sa Panginoon.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 25,820 total reads

 25,820 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 174,397 total reads

 174,397 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 209,073 total reads

 209,073 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 225,136 total reads

 225,136 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 261,622 total reads

 261,622 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 269,770 total reads

 269,770 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 90,907 total reads

 90,907 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top