Obispo ng Cubao, personal na nakiramay sa mag-asawang nalunod ang anak sa baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 47,005 total reads

Nanatiling matatag sa pananampalataya si Maria Teresa Batistis sa kabila ng pagkamatay ng kanyang panganay na anak na si Fhilton John Batistis matapos malunod sa baha dulot ng hanging Habagat na pinaigting ng bagyong Crising.

Sa panayam ng Radyo Veritas, sinabi ni Batistis na sa kabila ng sinapit ng kanilang pamilya ay buo pa rin ang kanyang tiwala sa Diyos.

“Lahat ng mga pagsubok na binigay sa akin, tinanggap ko naman ng maluwag sa puso ko. Sa Panginoon ako humuhugot ng pag-asa. Hinihiling ko sa Kanya na bigyan kaming mag-asawa ng lakas ng loob para sa dalawa pa naming anak,” pahayag ni Batistis.

Pagbabahagi nito umalis si Fhilton sa kanilang tahanan noong July 21 at inabutan ng biglaang pagtaas ng tubig sa ‘Calvary’ area ng Damayang Lagi, Quezon City at hindi agad natagpuan matapos tangayin ng baha.

Dahil sa hirap ng paghahanap, dumulog si Batistis sa panalangin sa paanan ng Our Lady of Mount Carmel upang humiling ng tulong na matagpuan ang katawan ng kanyang anak.

Makalipas ang 24 oras, natagpuan ang labi ni Fhilton sa dalampasigan ng Navotas City.

Lubos ang pasasalamat ng mag-asawang Edwin at Maria Teresa Batistis sa mga indibidwal at institusyong tumulong sa kanilang pamilya.

“Kahit sabihing masama ang nangyari sa aming pamilya, ipinagpapasalamat ko pa rin sa Diyos. Dito ko nakikita ang mga taong nagmamahal sa amin, sa anak ko. Hindi kami pinababayaan—tinutulungan kami,” dagdag ni Batistis.

Personal namang nakiramay si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF sa pamilya Batistis, na pansamantalang lumikas sa Minor Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel.

“Tayo ay isang pamilya. Kaya kung meron man sa ating mga kapatid na nangangailangan ng tulong, tayo ay handang makiisa, makiramay, at magbigay ng anumang pwedeng maiambag para lang maibsan ang ating kahirapan,” pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Si Fhilton, isang iskolar ng basilica, ay kabilang sa pitong nasawi sa pananalasa ng habagat, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bukod pa rito ang walo na nawawala habang pito naman ang nasugatan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 25,808 total reads

 25,808 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 174,381 total reads

 174,381 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 209,057 total reads

 209,057 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 225,121 total reads

 225,121 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 261,607 total reads

 261,607 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 269,757 total reads

 269,757 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top