Outbreak ng sakit sa Biñan City, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,934 total reads

Ikinababahala sa Biñan City, Laguna ang banta ng pagkakasakit sa pamayanan bunsod ng patuloy na pagbaha dulot ng walang tigil na pag-uulan sanhi ng hanging Habagat na pinalakas ng magkakasunod na Bagyong Crising, Dante, at Emong.
Sa ulat ng San Pablo Diocesan Social Action Commission at ng residente ng Barangay Dela Paz, Biñan City na si Annalisa Onofre, umapaw na ang Biñan River at Laguna de Bay, dahilan upang lalo pang tumaas ang antas ng baha sa lugar.
Nangangamba ang mga residente dahil katulad nang naranasan sa mga nagdaang kalamidad, inaabot ng tatlong buwan o higit pa bago humupa ang baha, na nagdudulot ng pagtaas ng kaso ng dengue at iba pang karamdaman, lalo na sa mga bata.

“Wala pong tigil ang ulan kaya umapaw na naman [ang] ilog. Puno na rin ang [lawa] kaya salubungan na po ang tubig,” ayon kay Onofre.

Ilan sa mga opisyal ng Laguna ang nagmumungkahi ng dredging o paglilinis at paghuhukay sa Laguna de Bay upang mapalaki ang kapasidad na mag-imbak ng tubig at matugunan ang matinding pagbaha sa mga bayan at lungsod sa paligid ng lawa.

Nagpasa si Biñan City Representative Arman Dimaguila ng isang resolusyon sa Kongreso na nananawagan sa House Committee on Ecology na ipatawag ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Laguna Lake Development Authority (LLDA), at iba pang kaukulang ahensya upang pag-aralan ang panukalang dredging.

Tinatayang aabot sa halos 11,500 pamilya sa Biñan City ang apektado ng malawakang pagbaha.

Samantala, nananawagan naman ang San Pablo DSAC ng panalangin at tulong para matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng pagbaha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 22,858 total reads

 22,858 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 70,729 total reads

 70,729 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 174,677 total reads

 174,677 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 260,790 total reads

 260,790 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 329,810 total reads

 329,810 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 163,589 total reads

 163,589 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top