Archbishop Uy, umaapela kay PBBM na tuluyang ipahinto ang online gambling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,603 total reads

Nanawagan si incoming Cebu Archbishop Alberto Uy kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa mga mambabatas kaugnay ng patuloy na paglaganap ng online gambling sa bansa.

Hiniling ng kasalukuyang obispo ng Tagbilaran na ipatupad ang tuluyang pagbabawal sa lahat ng uri ng online gambling.

“I am making a direct and heartfelt appeal to the President of the Philippines and to our lawmakers. We beg you: please put a total and permanent ban on online gambling in the country,” ayon sa apela ni Archbishop-designate Uy.

Nanindigan si Archbishop-designate Uy, na hindi na dapat pahintulutang kumalat pa ang ganitong bisyo na unti-unting sumisira sa buhay ng maraming Pilipino.

Binibigyang-diin niya na ang online gambling ay hindi lamang problema ng batas o ekonomiya, kundi isa ring banta sa moralidad, pamilya, at dignidad ng tao.

Ayon kay Archbishop-designate Uy, ang online gambling ay madaling nakapapasok sa mga tahanan sa pamamagitan ng cellphone, nagiging bahagi ng araw-araw na buhay, at madalas ay hindi namamalayan na naaapektuhan na ang isipan at pagkatao ng tao—lalo na ng kabataan at mga mahihirap.

“Do not allow this poison to continue spreading into the homes, phones, and hearts of our people. No amount of government income or corporate gain can justify the loss of human dignity, the breakdown of Filipino families, and the exploitation of the poor”, ayon pa sa kasalukuyang obispo ng Tagbilaran.

Iginiit ng arsobispo, na walang halaga ang anumang kita mula sa buwis o negosyo kung kapalit naman nito ang pagkasira ng pamilya, ang pagkawasak ng dangal ng tao, at ang pagsasamantala sa mga nangangailangan.

Nanawagan siya ng pagkilos mula sa pamahalaan upang wakasan na ang pagkalat ng online sugal at protektahan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino—lalo na ang mga pinakamahihinang sa lipunan.

Si Archbishop-designate Uy ang kasalukuyang obispo ng Tagbilran ay nakatakdanag italaga bilang kahalili ni Cebu Archbishop Palma sa September 30.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Troublemaker

 21,320 total reads

 21,320 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 69,191 total reads

 69,191 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 173,139 total reads

 173,139 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 259,252 total reads

 259,252 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 328,384 total reads

 328,384 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top