Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Romblon, magpapatayo ng 1,000 bahay sa mga biktima ng sakuna

SHARE THE TRUTH

 566 total views

Layunin ng Diyosesis ng Romblon na makapagpatayo ng 1000 bahay para sa mga mahihirap na pamilya na higit na apektado ng krisis at iba’t ibang sakuna sa lalawigan ng Romblon.

Ayon kay Romblon Diocesan Social Action Director Father Ric Magro, layunin ng proyekto na bigyan ng maayos at matibay na bahay ang mga mahihirap na pamilya lalo na ang mga nakatira sa tabing-dagat na mas malapit sa panganib kapag may sakuna.

“Nakikita kasi noon na ang nililipat kaagad natin ay ‘yung mga nakatira sa tabing dagat, ‘yung mga pamilyang mga barong-barong lamang ang bahay. Kaya’t sa ngayon na wala pang bagyo, hinahanapan kaagad natin ng paraan sila kung paano natin sila matutulungan na hindi na aabutin pa ng bagyo,” pahayag ni Fr. Magro sa panayam ng Radio Veritas.

Pagbabahagi ni Fr. Magro na binabalak ng diyosesis na makapagbahagi ng tig-50 bahay sa 17 bayan ng Romblon.

Sa kasalukuyan, nasa ikatlong bahagi na ang proyekto ng diyosesis kung saan sa una at ikalawang bahagi ay umabot na sa 100 mga bahay ang naipatayo at naipamahagi sa mga residente ng Tablas at Romblon Island.

“Sa ngayon ay patuloy tayong nagpapagawa again sa Tablas Island ng another 50 houses. at ang target natin ay makapagbigay tayo sa lahat ng munisipyo kahit tig-50 houses muna,” ayon kay Fr. Magro.

Nagpapasalamat naman ang Diyosesis ng Romblon sa NASSA/Caritas Philippines at Couples for Christ – Answering the Cry of the Poor (CFC-ANCOP) sa patuloy na pagtulong at pagsuporta sa mga adhikain ng diyosesis na bigyan ng matibay na tahanan ang mga mahihirap na pamayanan.

Magugunita noong 2015 nang labis na napinsala ng Bagyong Nona ang diyosesis kung saan umabot sa 4,000 pamilya ang nawalan ng mga tahanan at kabuhayan.

Tinatayang aabot sa walo hanggang 12 bagyo ang dumadaan sa Romblon sa loob ng isang taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 39,753 total views

 39,753 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 55,841 total views

 55,841 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,329 total views

 93,329 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,280 total views

 104,280 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 33,532 total views

 33,532 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »
Scroll to Top