Gawing ehemplo ang kabanal-banalang puso ni Hesus, panawagan ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 646 total reads

Patuloy na gawing ehemplo ang kabanal-banalang puso ng Panginoong Hesus Kristo.

Ito ang pagninilay ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa kaniyang pangunguna sa misa ng kapistahan ng Sacred Heart Parish, Sta. Mesa, Manila.

Umaasa si Cardinal Advincula na laging alalahanin ng bawat mananampalataya na naging daan ang pag-aalay ni Hesus ng buhay upang manumbalik ang koneksyon ng Panginoong Diyos sa sangkatauhan.

“Ang buwag na biyayang hiling natin sa kaniya ay maihulma niya ang ating puso sa wangis ng kaniyang puso, sa udyok ng Santo Papa, Papa Francisco na bigyang tuon at isabuhay ang synodality sa simbahan o ang sama-samang paglalakbay ng bayan ng Diyos patungo sa kaniyang kaharian makakatulong na pagmunihan ang mga katangian at layon ng banal na puso ni Hesus.” pagninilay ni Cardinal Advincula

Tinukoy nito ang sugatan at duguang puso ni Hesus na nababalot ng koronang tinik sa mga imahen ng ‘Sacred Heart’ ay simbolo ng kaniyang patuloy na pagmamahal sa tao sa kabila ng mga natanggap na pagtataksil at pagtatakwil.

Habang sinisombolo naman ng nagliliyab na puso ni Hesus ay ang tanda ng kaniyang walang kapaguran na pagnanais na makapagturo at makatulong sa sanlibutan gamit ang salita ng Diyos.

“Iba ang matematika ng tunay na pagmamahal ni Hesus, hindi nababawasan kungdi mas umiigting ang pagibig niya sa atin sa mga pagkakataong tayo ay nawawala, malalayo, nanghihina at napipilayan kapag naman tayo ay matagpuan siyay nagdiriwang at inilalagay tayo sa kaniyang balikat upang muling mahagkan at muling ilapit sa kaniyang puso,” mensahe pa ng Arsobispo.

“Ito ang ika-106 na taon na pagdiriwang ng Sacred Heart Parish sa Santa Mesa Manila na itinatag noong 1911 bilang kauna-unahang simbahan na itinalaga para sa Banal na Puso ni Hesus sa Pilipinas.”

Sa susunod na taon ay gugunitain din ng parokya ang ika-120 taon ng pagdating sa Pilipinas ng imahen ng Sacred Heart of Jesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 34,171 total reads

 34,171 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 65,443 total reads

 65,443 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 143,232 total reads

 143,232 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 237,460 total reads

 237,460 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 296,673 total reads

 296,673 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top