Diocese of San Carlos, makikibahagi sa Peter’s Pence Collection Sunday

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 604 total reads

Tiniyak ng Diocese of San Carlos ang pagtugon at pakikibahagi sa nakatakdang Peter’s Pence Collection Sunday sa ika-26 ng Hunyo, 2022.

Sa pamamagitan ng isang liham sirkular, ibinahagi ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang nakatakdang Peter’s Pence Collection Sunday na isinasagawa bago ang paggunita sa Solemnity of Saints Peter and Paul tuwing ika-29 ng Hunyo.

Tagubilin ni Bishop Alminaza sa lahat ng mga pari, rektor, chaplains, administrator at religious priest ng mga parokya, mission stations at quasi-parishes sa diyosesis ang pagpapalaganap ng impormasyon kaugnay sa Peter’s Pence Collection Sunday para sa kamalayan ng mga mananampalataya.

Ayon sa Obispo, mahalagang malaman ng bawat mananampalataya na ang malilikom na pondo mula sa nasabing pontifical collection na isinasagawa sa buong mundo sa pamamagitan ng second collection ay nakalaan para sa mga programa at iba’t ibang apostolic and charitable ministry ng Santo Papa Francisco.

“On the 29th of June 2022, we shall celebrate the Solemnity of Sts. Peter & Paul. The Sunday nearest to the Solemnity is Designated as Peter’s Pence Collection Sunday. This year it falls on the 26th of June 2022. This pontifical collection is chiefly designated for the apostolic and charitable ministry of our beloved Pope Francis,” ang bahagi ng liham sirkular ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza.

Hinihikayat din ng Obispo ang pag-aanunsyo nito sa mga social media platforms upang higit na maipalaganap ang impormasyon kaugnay sa nakatakdang gawain.

Umaasa naman si Bishop Alminaza na aktibong makibahagi ang bawat mananampalataya sa nakatakdang Peter’s Pence Collection Sunday para sa pagsasakatuparan ng iba’t ibang misyon ni Pope Francis lalo na para sa mga higit na nangangailangan sa iba’t ibang panig ng daigdig.

Batay sa tala ng Vatican, noong 2019 bago naganap ang pandemya ay nakalikom ang Peter’s Pence Collection ng 53-million euros na nagamit upang pondohan ang iba’t ibang mga programa at gawain ng Santo Papa Francisco at maging ng Vatican Curia.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,510 total reads

 46,510 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 126,311 total reads

 126,311 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,758 total reads

 159,758 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 195,056 total reads

 195,056 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,818 total reads

 419,818 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top