Grasyang tinanggap ni Bishop-elect Labajo, ibabahagi ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 820 total reads

Malugod na tinanggap ni Bishop – elect Msgr. Ruben Labajo ang pagkahirang bilang Auxiliary Bishop ng Archdiocese of Cebu.

Bagamat may pangamba sa malaking hamong kakaharapin kaakibat ng pagiging obispo ay buong kababaang loob nitong ipinagkatiwala sa Panginoon ang kanyang bagong misyon sa simbahan.

“I am humbly accepting the appointment of the Holy Father to me as an auxiliary bishop of the Archdiocese of Cebu. I am completely overwhelmed by the news. I know this is challenging how to be a bishop and considering my weaknesses, inadequacies, limitations and the like, but the gospel of John 15:16 strengthened me when Jesus says you did not choose me but I chose you and appointed you so that you might grow and bear fruit, fruit that will last,” pahayag ni Bishop-elect Labajo.

Aminado ang bagong talagang obispo na bagamat hindi ito karapat-dapat sa posisyon ay labis itong nagpasalamat sa kaloob na biyaya ng misyon na ipinagkaloob ng Panginoon sa halos tatlong dekadang pagiging pari.

Bilang regalo ng Panginoon sinabi ni Bishop-elect Labajo na nararapat itong ibahagi sa kapwa lalo’t higit sa kawan na ipagkakatiwala.

Hiling ni Bishop-elect Labajo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin ng katatagan sa pagganap sa tungkulin bilang katuwang ni Archbishop Jose Palma sa pangangalaga sa halos limang milyong katoliko sa arkidiyosesis kasama si Bishop Midyphil Billones.

“Since it is a gift, it is meant to be shared. This gift has become a task, and this is where I need you most. So please pray for me. Include me in your daily prayers. It is only in him that I can survive. Give me all your support and prayers,” ani Bishop-elect Labajo.

June 23 nang inanunsyo ng Vatican ang makabuluhang paghirang kay Msgr. Labajo kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa Dakilang Kapistahan ni San Juan Bautista na kilalang tagapaghanda sa daanan ng Panginoon.

Naniniwala si Cebu Archbishop Jose Palma na isang magandang kaloob ng arkidiyosesis ang pagtalaga kay Msgr. Labajo bilang katuwang na obispo lalo’t sa lalawigan sumibol ang Kristiyanismo 500 taon na ang nakalilipas.

“The appointment of the new auxiliary Bishop is certainly a moment of grace. This is certainly God’s grace in our archdiocese as we journey forward,” ayon sa pahayag ni Archbishop Palma.

Si Bishop Elect Labajo ay ipinanganak noong September 24, 1966 sa Talisay City Cebu at nagtapos ng philosophy at theology sa San Carlos Seminary Cebu.

Inordinahang pari ng Archdiocese of Cebu noong June 10, 1994 kung saan kabilang sa pinagsilbihan bilang pari ang pagiging Parish vicar sa Mandaue City, Santa Fe Parish sa Bantayan Island, at St. Joseph Parish sa Tabunok Talisay.

2014 hanggang 2019 nang maitalaga ang pari sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Noong 2017 naging bahagi si Bishop-elect Labajo sa Council of Consultors, Episcopal Vicar sa unang distrito ng arkidiyosesis at kasapi ng Presbyteral Council.

Sa kasalukuyan si Bishop-elect Labajo ay isa sa mga Vicar General ng arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,599 total reads

 47,599 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,359 total reads

 127,359 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,806 total reads

 160,806 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,104 total reads

 196,104 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,806 total reads

 420,806 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top