Tularan ang kadalisayan ng Puso ni Hesus, hiling ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 732 total reads

Binigyang-diin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na hindi nababawasan ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan sa kabila ng pagkukulang ng tao.

Ito ang pagninilay ng Arsobispo sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ngayong June 24.

Ipinaliwanag ni Cardinal Advincula ang ebanghelyo ni San Lucas kung saan iniwan ni Hesus ang marami para sa isang nawawala.

“Hindi nababawasan kundi mas umiigting ang pag-ibig ng Diyos sa atin sa mga pagkakataong tayo ay nawawala, nalalayo at napipilayan,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Hamon ng cardinal sa mananampalataya na sikaping tularan ang mga halimabawa at gawi ng puso ni Hesus tungo sa nagkakaisang pamayanan.

“Magpasalamat tayo sa dakilang pag-ibig ni Hesus para sa atin at humihimok sa atin na tularan ang Kanyang mga gawi; ang buod ng biyayang hiling natin sa Kanya ay naihulma niya ang ating puso sa wangis ng Kanyang puso,” giit ng Cardinal.

Pinangunahan ni Cardinal Advincula ang pagdiriwang ng kapistahan sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati City na pinangasiwaan ni Father Victor Apacible – ang kura paroko at rector ng pambansang dambana.

Sa panayam naman ng Radio Veritas kay Fr. Apacible, hiniling nito sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa mga pari lalo’t kasabay ng kapistahan ng Sacred Heart ang Prayer for the Sanctification of Priests.

Aniya, mahalagang ipanalangin ang mga pastol ng Simbahan upang manatiling matatag sa kabila ng iba’t ibang usaping kinasasangkutan ng mga lingkod ng Simbahan.

“Today also is the prayer for sanctification of priests everytime we celebrate the feast of the Sacred Heart kasama ang sanctification of priests we pray for all priests, my fellow shepherds,” pahayag ni Fr. Apacible.

Dalangin ni Carinal Advincula ang kadalisayan ng puso ng bawat isa tulad ng puso ni Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,600 total reads

 47,600 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,360 total reads

 127,360 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,807 total reads

 160,807 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,105 total reads

 196,105 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,807 total reads

 420,807 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top