Pagkalat ng ASF at Bird Flu, patuloy na tinutugunan ng DA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 859 total views

Patuloy ang pag-tugon ng pamahalaan sa epekto ng African Swine Fever (ASF) at Avian Influenza (Bird Flu).

Ito ang tiniyak ni Dr. Reildrin Morales, Assistant Secretary ng Department of Agriculture for Livestock at Bureau of Animal Industry Director.

Inihayag ni Morales na batay sa datos ng kagawaran noong June 15, 2022 ay bumaba sa 56-barangay ang mayroong kaso ng ASF sa buong Pilipinas kumpara noong 2019 na umabot sa mahigit 4-libong mga apektadong barangay.

Noong June 10, 2022 ay naitala ang mga kaso ng Bird Flu sa 85-baranggay sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

“Sa animal health side, patuloy po natin pinapalakas ‘yung ating tinatawag na diagnostic infrastructure at ilalatag po natin, yung mas malawakan po na surveillance,” pahayag ni Morales sa Radio Veritas.

Inaasahan naman ng DA na aabot sa 10-milyon mga baboy ang suplay ng Pilipinas sa Disyembre sa selebrasyon ng Kapaskuhan at ang Bagong Taon.

Ibinahagi rin ni Morales ang pagsasagawa sa Phase 2 vaccine trials laban sa ASF ng mga pribadong kompanya mula sa Pilipinas katuwang ang mga siyentipiko mula sa Thailand.

“Mahigit 100-million worth na field RT-PCR test kits, ito po ay dini-distribute naman ng ating mga RFO (regional field offices) sa mga Local Government Units. Yun pong early detection ang napaka-critical po, kapag nagkaroon tayo ng early detection mas malaki po yung change na mapigil yung pagkalat ng sakit,” ayon pa kay Morales.

Nakasaad sa katuruang panlipunan ng Simbahang Katolika na dapat unahin ng mga producer ang kalusugan at kapakanan ng mga konsyumer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 23,645 total views

 23,645 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 53,868 total views

 53,868 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 80,519 total views

 80,519 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 175,492 total views

 175,492 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 195,144 total views

 195,144 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top