Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Tarlac, nakiisa sa Red Wednesday

SHARE THE TRUTH

 540 total views

Nakiisa ang Diyosesis ng Tarlac sa paggunita sa Red Wednesday bilang pag-alala at pagsuporta sa mga Kristiyanong nakakaranas ng pang-uusig dahil sa pananampalataya.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Tarlac Bishop Enrique Macaraeg, ang pagiging martir ng mga Pilipinong Kristiyano dahil sa kanilang pakikipaglaban sa paniniwala at pananampalataya ang isa sa mga dahilan ng paggugunita sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa.

Iginiit ng Obispo na naaangkop ang Red Wednesday upang ipaalala sa bawat isa ang sakripisyo at katapangan ng mga martir sa kabila ng mga dinanas na pang-uusig.

“Today, we should pay tribute to our martyred Filipino brethrens during the 500 years of Christianity,” pahayag ni Bishop Macaraeg.

Nabanggit din ni Bishop Macaraeg na ang Red Wednesday ngayong taon ay bahagi rin ng paghahanda ng mga obispo para sa 2023 Synod of Bishops.

“On this occasion we also prepare ourselves for the Synod of Bishops in 2023 journeying as one church,” saad ng Obispo.

Taong 2016 nang simulan ng Pontifical Foundation na Aid to the Church in Need ang Red Wednesday Campaign sa United Kingdom habang 2017 naman nang makibahagi dito ang Pilipinas.

Tema ngayong taon ang “Red without fear: A Church journeying as one”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Apela sa bagong housing czar

 19,187 total views

 19,187 total views Mga Kapanalig, kasama si dating Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) sa mga nagpasa ng courtesy

Read More »

Panagutin naman natin sila

 32,623 total views

 32,623 total views Mga Kapanalig, may mga kababayan tayong ang tingin sa impeachment trial para dinggin ang mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte ay

Read More »

CLIMATE CRISIS

 49,262 total views

 49,262 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 59,638 total views

 59,638 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Michael Añonuevo

Alay Kapwa theme song, isasapubliko

 1,054 total views

 1,054 total views Ilulunsad ng humanitarian, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang isang pagtitipon bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top