Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 271 total views

Ang ating bansa ay bulnerable sa mga natural disasters at iba ibang sakuna, kaya’t napakalahaga na tayo ay laging handa.

Dahil sa ating geographical location, ang ating bansa ay daanan ng bagyo. Ayon nga sa PAGASA, mahigit pa sa 20 na bagyo ang regular na dumadaan sa ating bansa kada taon. Malaking pinsala ang dala nito sa ating bansa. Ayon nga sa isang pag-aaral ng Asian Development Bank, mula 1990 hanggang 2020, maaring  umabot na ng $20 billion ang kabuuang impact ng mga bagyo sa ating bayan.

Ang ating bansa din ay nasa loob ng ring of fire, kaya bulnerable rin tayo sa mga volcanic eruptions. Maraming mga bulkan sa ating bansa, at tinatayang mga 24 ang aktibo sa mga ito. Ang pagputok ng bulkang Taal noong nakaraang taon ay nagdulot ng pinsalang nagkakahalga ng mga $8 bilyon o higit pa.

Ang iba pang mga sakuna gaya ng landslide pati pagbaha ay regular ding pangyayari sa maraming lugar sa ating bansa. Malaking halaga din ng pera ang pinsalang dulot nito sa bayan. Ngunit higit sa pera kapanalig, ang buhay ng ating mga mamamayan ang laging nasa peligro dahil sa mga sakuna.

Nararapat lamang na mabigyan ng ating pamahalaan ng sapat na atensyon, at lalo na, sapat na funding, ang mga pagkilos upang makapaghanda, makalaban, at maka-ahon laban sa mga sakuna at anumang emergency na maaring danasin ng ating bayan. Mahalaga rin na suriing mabuti kung sapat ba ang budget ang ating nilalaan para sa mga sakuna at emergencies, at kung may nakaligtaan ba  tayong isama sa budget. Isang halimbawa ay ang paglalaan ngayon ng budget para sa mga public health emergencies naman. Ang pandemyang nararanasan ng ating mundo ngayon ay isang eye-opener – ang mga sakit ay maari ring malawakan ang sakop at maari ring itigil ang ekonomiya ng anumang bansa. Noong 2020, PHP16 billion ang disaster funding ng bayan, ngunit nagkulang ito dahil na rin sa COVID.

Ang kahandaan para sa anumang uri ng sakuna ay obligasyon nating lahat. Ang emergencies at mga disasters ay walang pinipiling biktima, ngunit laging mas apektado nito ang mga maralitang nasa laylayan ng lipunan. Bilang Katoliko, tayo ay inaatasan na mahalin natin ang ating kapwa. Ang pagmamahal na ito ay kongkreto nating mapadarama sa pamamagitan ng mga polisiya at pagpopondo na tunay na makatao at pro-poor, gaya ng pagbibigay na sapat na alokasyon para sa disaster funding.

Sumainyo ang Katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabiguan sa kabataan

 41,822 total views

 41,822 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 71,903 total views

 71,903 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 85,924 total views

 85,924 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 104,239 total views

 104,239 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Kabiguan sa kabataan

 41,823 total views

 41,823 total views Mga Kapanalig, para sa isang dating artista na minsang gumanap bilang tagapagtaguyod ng katarungan—at bilang bayani pa nga ng bayan—nakapagtataka kung bakit isinusulong

Read More »

THEATRE OF THE ABSURD

 71,904 total views

 71,904 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 85,925 total views

 85,925 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 104,240 total views

 104,240 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 98,232 total views

 98,232 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 78,616 total views

 78,616 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 102,313 total views

 102,313 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 111,025 total views

 111,025 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »
1234567