Mamamayan, pinag-iingat ng opisyal ng CBCP sa Omicron variant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 492 total reads

Pinag-iingat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang publiko hinggil sa pagpasok ng COVID-19 Omicron variant sa Pilipinas.

Ayon kay CBCP – Health ministry vice chairman at Military Diocese Bishop Oscar Jaime Florencio, dapat mas maging maingat ang mamamayan upang hindi maging sanhi ang Omicron variant ng muling pagdami ng kaso ng virus sa bansa.

“Let us all be vigilant once more, especially na mayroon na naman tayong detected Omicron variant dito sa Pilipinas,” pahayag ni Bishop Florencio sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ng obispo na mahalaga pa rin ang wastong pag-iingat lalo na ang pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang hawaan.

“We have already learned our lessons in the past. There is nothing more but to follow the protocols and restrictions anyway this is for our own good,” saad ni Bishop Florencio.

Sa ulat ng Department of Health, natuklasan kahapon ang unang dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa mula sa isang Overseas Filipino Worker galing Japan at isang Nigerian national.

Kasalukuyang nasa isolation facility ang dalawang pasyente at asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng virus.

Ang Omicron variant na unang nakita sa South Africa ay natuklasan din sa Europa at Asya na nagdulot ng pangamba sa buong mundo dahil sa posibilidad na muling lumaganap sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 127,553 total reads

 127,553 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,948 total reads

 170,948 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,704 total reads

 220,704 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,900 total reads

 379,900 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 401,200 total reads

 401,200 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,309 total reads

 191,309 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top