Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 654 total reads

Ang ating bansa ay bulnerable sa mga natural disasters at iba ibang sakuna, kaya’t napakalahaga na tayo ay laging handa.

Dahil sa ating geographical location, ang ating bansa ay daanan ng bagyo. Ayon nga sa PAGASA, mahigit pa sa 20 na bagyo ang regular na dumadaan sa ating bansa kada taon. Malaking pinsala ang dala nito sa ating bansa. Ayon nga sa isang pag-aaral ng Asian Development Bank, mula 1990 hanggang 2020, maaring  umabot na ng $20 billion ang kabuuang impact ng mga bagyo sa ating bayan.

Ang ating bansa din ay nasa loob ng ring of fire, kaya bulnerable rin tayo sa mga volcanic eruptions. Maraming mga bulkan sa ating bansa, at tinatayang mga 24 ang aktibo sa mga ito. Ang pagputok ng bulkang Taal noong nakaraang taon ay nagdulot ng pinsalang nagkakahalga ng mga $8 bilyon o higit pa.

Ang iba pang mga sakuna gaya ng landslide pati pagbaha ay regular ding pangyayari sa maraming lugar sa ating bansa. Malaking halaga din ng pera ang pinsalang dulot nito sa bayan. Ngunit higit sa pera kapanalig, ang buhay ng ating mga mamamayan ang laging nasa peligro dahil sa mga sakuna.

Nararapat lamang na mabigyan ng ating pamahalaan ng sapat na atensyon, at lalo na, sapat na funding, ang mga pagkilos upang makapaghanda, makalaban, at maka-ahon laban sa mga sakuna at anumang emergency na maaring danasin ng ating bayan. Mahalaga rin na suriing mabuti kung sapat ba ang budget ang ating nilalaan para sa mga sakuna at emergencies, at kung may nakaligtaan ba  tayong isama sa budget. Isang halimbawa ay ang paglalaan ngayon ng budget para sa mga public health emergencies naman. Ang pandemyang nararanasan ng ating mundo ngayon ay isang eye-opener – ang mga sakit ay maari ring malawakan ang sakop at maari ring itigil ang ekonomiya ng anumang bansa. Noong 2020, PHP16 billion ang disaster funding ng bayan, ngunit nagkulang ito dahil na rin sa COVID.

Ang kahandaan para sa anumang uri ng sakuna ay obligasyon nating lahat. Ang emergencies at mga disasters ay walang pinipiling biktima, ngunit laging mas apektado nito ang mga maralitang nasa laylayan ng lipunan. Bilang Katoliko, tayo ay inaatasan na mahalin natin ang ating kapwa. Ang pagmamahal na ito ay kongkreto nating mapadarama sa pamamagitan ng mga polisiya at pagpopondo na tunay na makatao at pro-poor, gaya ng pagbibigay na sapat na alokasyon para sa disaster funding.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 128,892 total reads

 128,892 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 172,136 total reads

 172,136 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 221,892 total reads

 221,892 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 381,088 total reads

 381,088 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 402,335 total reads

 402,335 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kasaysayang ayaw nating maulit

 128,893 total reads

 128,893 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 172,137 total reads

 172,137 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 221,893 total reads

 221,893 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 381,089 total reads

 381,089 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »
Scroll to Top