DOH, nagbabala sa paggamit ng Ivermectin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 432 total views

Patuloy ang babala ng Department of Health hinggil sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang panlaban sa coronavirus disease.

Kaugnay ito sa mga ulat na natanggap ng ahensya hinggil sa mga “invalid prescription” ng nasabing gamot na ipinamahagi nina Anakalusugan Party-list Representative Mike Defensor at Rodante Marcoleta noong Abril 29, 2021 sa Quezon City.

Ayon sa DOH, ito ay kanilang isasangguni sa Professional Regulation Commission (PRC) upang masuri ang katotohanan at bigyan ng karampatang parusa kung kinakailangan batay sa umiiral na mga batas.

“Those who received the prescriptions and the drugs [may] report any invalid prescriptions to the PRC, and any adverse reactions to the FDA at (02) 8809-5596 or [email protected],” ayon sa DOH.

[smartslider3 slider=21]

Sa isinagawang “community pan-three” project nina Defensor at Marcoleta, ang mga miyembro ng Concerned Doctors and Citizens PH ay nagsulat ng mga reseta sa blangkong papel sa halip na sa mga aprubadong prescription pads.

Tinukoy ni Health Secretary Francisco Duque III na ang reseta ay dapat naglalaman ng pangalan ng doktor, tirahan, professional registration number, tax receipt number, maging ang pangalan ng pasyente, edad, kasarian at petsa kung kailan ito inireseta.

Samantala, hinimok naman ng DOH at Food and Drug Administration ang publiko na maging maingat at mapanuri sa mga resetang ibinibigay sa kanila, sapagkat ito’y maaaring magbigay ng proteksyon at matiyak ang pananagutan mula sa mga propesyonal na nagbigay nito.

Nauna nang nagbabala si Jesuit Priest Fr. Marlito Ocon, head chaplain ng Philippine General Hospital hinggil sa paggamit ng Ivermectin dahil ito’y hindi pa aprubado ng FDA at patuloy na sinusuri ang totoong bisa nito sa katawan ng tao lalo na sa mga nahawaan ng COVID-19.

“Huwag na lang tayong gumamit kung hindi binibigay ng doktor. Kung mayroon mang binibigay ang doktor sa ngayon, hindi pa iyan aprubado ng ating FDA na pwedeng gamitin sa tao dahil ayon sa kanila ay ginagamit yan sa mga hayop,” pahayag ni Fr. Ocon sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa pahayag at pagsusuri ng Merck, ang pharmaceutical company na lumikha ng Ivermectin, na wala itong siyentipikong batayan upang sabihing mabisa ang nasabing gamot bilang lunas sa nakakahawang sakit.

Magsisimula ngayong Mayo o sa Hunyo ang clinical trial sa anti-parasitic drug sa kahilingang makapangalap ng karagdagang datos hinggil sa mga epekto nito sa mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 21,690 total views

 21,690 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 50,041 total views

 50,041 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 117,771 total views

 117,771 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 140,922 total views

 140,922 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 209,531 total views

 209,531 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top