Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

DSWD, nakahandang makipagtulungan sa Simbahang Katolika

SHARE THE TRUTH

 21,366 total views

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development – National Authority for Child Care (DSWD-NACC) ang kahandaang makipagtulungan sa simbahang katolika upang higit na mapalaganap ang adbokasiya sa legal adoption at pagsugpo sa online baby selling.

Ito ang tiniyak ni NACC Deputy Executive Director for Operations and Services Rowena Macalintal sa pagdiriwang ng Adoption and Alternative Child Care Week.
Aminado si Macalintal na kinakailangan ang tulong ng simbahan sa pagtataguyod ng ikakabuti at kapakanan ng mga batang inaabuso, inabanduna at nauulila.

“Kailangan po natin ng tulong ng lahat ng mga sektor ng ating lipunan para sama-sama pong labanan ang lahat ng uri ng illegal adoption mapa-independent placements, pagta-tamper po ng birth certificates, online baby selling yan po yung mga palasak ng mga uri ng illegal adoption na nangyayari ngayon at yan po ay sama-samang lalabanan,”
ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Macalintal.

Kailangan din ng NACC ang tulong ng iba pang sektor at mga Non-Government Organizations (NGOs) upang higit na mapalawig ang pagtulong sa mga bata o sanggol na makahanap ng mapagmahal na tahanan.

Katuwang sa paglaban sa illegal adoption ay ang Philippine National Polices Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).
Hinimok ng NACC ang concerned citizens na magpapunta at inulat sa mga Regional Alternative Child Care Offices ang mga pang-aabuso upang malabanan ang online baby selling at online child trafficking.

Inihayag naman ni PNP Women and Children Protection Center Assistant Chief Police Colonel Isagani Fetizanan na bukas ang mga hotlines ng PNP tulad ng 9-1-1 at mga number sa Globe bilang 0-9-6-6-7-2-5-5-9-6-1 at Smart bilang 0-9-2-0-9-0-7-1-7-1-7 upang tumanggap ng mga sumbong laban sa Online Baby Sellers at Child Traffickers.
Naunang nanawagan si Pope Francis na labanan ang human trafficking at iba pang uri ng pang-aabuso sa mga bata dahil sila ay biyaya ng Panginoon habang isinusulong ng CBCP ang sama-samang pagkilos laban sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga kabataan higit na ang child trafficking.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

STATE AID o AYUDA

 14,112 total views

 14,112 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 34,049 total views

 34,049 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 51,309 total views

 51,309 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 64,842 total views

 64,842 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 81,422 total views

 81,422 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Marian Pulgo

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 7,583 total views

 7,583 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

RELATED ARTICLES

Online gambling, kinundena ng CBCP

 32,663 total views

 32,663 total views Kinundena ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang paglaganap ng online gambling sa Pilipinas. Ayon sa kalipunan ng mga Obispo, salot

Read More »
Scroll to Top