DSWD, suportado ang mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total views

Suportado ng Department of Social Welfare and Development ang mga kautubo sa pagprotekta sa kanilang ancestral domains.

Sa isinagawang Mangyan day 2017 kung saan nagtipon-tipon ang pitong tribo ng mga Mangyan sa Mindoro, inihayag ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo na sisikapin nitong maiabot sa mga katutubo ang lahat ng tulong na maaaring maibigay.

“Atin pong aaralin ang mga programa at serbisyo na ating maaring maiabot sa mga kababayan nating Mangyan sa Mindoro. Sa direktiba na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte, sisikapin nating mas abutin ang iba’t-ibang grupong katutubo sa ating bansa upang makapaghatid ng maagap at mapagkalingang serbisyo,” pahayag ni Taguiwalo.

Inihayag ni Taguiwalo na bahagi ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suportahan ang mga katutubo sa pangangalaga sa kalikasan.

Nangako ang kalihim na poprotektahan nito ang mga lupang minana ng mga katutubo laban sa mga mining operations na kalimitang nagiging sanhi ng pagdami ng internally displaced person sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Suportahan natin ang mga adhikain ng mga kababayan nating Katutubong Mangyan na pangalagaan ang kalikasan at ang kanilang lupang ninuno laban sa mga mapanirang mining operations at pangangamkam ng mga korporasyong ganid sa tubo. Makiisa tayo sa kanilang mga panawagan para sa pagpapahinto sa mga proyektong sumisira sa kalikasan at nagpapalayas sa mga komunidad ng katutubo at mga magsasaka mula sa kanayunan,” dagdag pa ng kalihim.

Sa tala ng UNDP Philippines o United Nations Development Programme mayroong 14 hanggang 17 milyong katutbo sa Pilipinas na kabilang sa 110 ethnic groups.

Batay naman sa Internal Displacement Monitoring Center, umaabot sa 140,000 indibidwal ang napipilitang lumikas at lumayo sa kanilang tahanan dahil sa pagpapalayas ng mga kumpanya ng minahan, digmaan at mga natural disasters.

Una nang kinondena ng Santo Papa Francisco sa kanyang Laudato Si ang ginagawang pagpapalayas sa mga katutubo sa kanilang Ancestral Lands, dahil sa pagpapapasok ng mga negosyo tulad ng plantasyon at mga pagmimina.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 18,582 total views

 18,582 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 68,596 total views

 68,596 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 64,465 total views

 64,465 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 100,463 total views

 100,463 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 108,168 total views

 108,168 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 325,478 total views

 325,478 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top