Ecological conversion, inaasahang maging bunga ng COP26 summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 643 total reads

Napapanahon ang isinasagawang United Nations Climate Change Conference o COP26 Summit sa Glasgow, Scotland kasabay ng paggunita ng Pilipinas sa ikawalong anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda sa bansa.

Ayon kay Living Laudato Si’ Philippines, Executive Director Rodne Galicha, ang naganap na pananalasa ng bagyong Yolanda sa bansa noong 2013 ay sanhi ng kapabayaan ng mga tao sa kalikasan kaya’t naging malawak ang pinsala nito hindi lamang sa kapaligiran, kundi lalo na sa buhay ng libo-libong tao.

Sinabi ni Galicha na mula nang maganap ito, mas lumalala pa ang mga sakunang nagaganap sa Pilipinas na patuloy namang nagpapahirap sa buhay ng mga tao.

“Eight years after the onslaught of Typhoon Haiyan (Super Typhoon Yolanda) in the Philippines, more than a thousand people are still missing. Year after year thenceforth, the intensity of extreme weather conditions is increasing.” pahayag ni Galicha sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, iginiit naman ni Galicha na ang COP26 Summit ay isang pagkakataon upang talakayin ang mga maaaring maging tugon ng iba’t ibang bansa para maiwasang mangyari muli ang katulad na sakunang naganap sa Pilipinas.

Binigyang-diin din nito na ang climate action na tinatalakay sa COP26 Summit ay naglalayong hikayatin ang bawat isa na kumilos tungo sa ecological conversion na kinakailangan ng mundo upang patuloy na mapangalagaan ang kalikasan para sa kapakanan ng lahat lalo na ng mga susunod pang henerasyon.

“COP26 is an opportunity to address losses and damages, both for humanity and ecosystems. Climate action is not only about common but differentiated responsibilities but a collective conscience and uncompromised moral imperative towards intergenerational justice, equity and common good,” saad ni Galicha.

Sa Laudato Si ni Pope Francis, iginiit nito na ang usapin sa klima ay hindi lamang isyu na dapat tugunan ng iilan, bagkus dapat itong harapin ng bawat tao, magkakaiba man ang relihiyon o katayuan sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 5,964 total reads

 5,964 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 72,020 total reads

 72,020 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 91,327 total reads

 91,327 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 169,714 total reads

 169,714 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 213,967 total reads

 213,967 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 114,659 total reads

 114,659 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top