EDSA @40, isang espiritwal at moral na paggising sa mga Pilipino-Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,857 total views

Naniniwala si Cebu Archbishop Alberto Uy na ang nakatakdang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa Pebrero 25, 2026 ay hindi lamang isang kaganapang pampulitika, kundi isang moral at espirituwal na paggising sa sambayanan.

Ayon sa Arsobispo, ang naganap na EDSA People Power Revolution ay isang makasaysayang sandali kung saan pinili ng bansa at ng mga mamamayang nahahati at sugatan ang landas ng kapayapaan, katapangan, at pananampalataya.

Paliwanag ni Archbishop Uy, ipinakita rin sa mundo ng tagumpay ng tinaguriang ‘bloodless revolution’ na ang tunay na kapangyarihan ay wala sa mga armas o kayamanan, kundi nasa katotohanan, pagkakaisa, at tiwala sa Diyos.

“On February 25, 2026, we will commemorate the 40th Anniversary of the EDSA People Power Revolution—a historic moment when a divided and wounded nation chose the path of peace, courage, and faith. EDSA was not only a political event; it was a moral and spiritual awakening. It reminded the world that real power lies not in weapons or wealth, but in truth, unity, and trust in God.” Bahagi ng mensahe ni Archbishop Uy.

Pagbabahagi ng Arsobispo ang paggunita sa ika-4 na dekada ng makasaysayang bahagi ng tinatamasang demokrasya ng bansa ay hindi lamang isang pagbabalik-tanaw, kundi isang hamon upang patuloy na ipanalangin ang paghilom at pag-unlad ng bayan.

Binigyang diin naman ni Archbishop Uy na ang ganap na paghilom ng lipunan ay nangangailangan ng patuloy na katapatan, paninindigan sa katotohanan at pananagutan.

“As we mark this milestone, we do not gather merely to remember the past. We gather to pray for national healing and to renew the values that gave birth to EDSA. Healing, however, does not come from nostalgia or slogans. It requires honesty, responsibility, and difficult but necessary moral choices.” Dagdag pa ni Archbishop Uy.

Samantala, iginiit din ng Arsobispo ang tatlong mahahalagang hakbang para sa tunay na pagkamit ng pambansang paghilom.
Unang tinukoy ni Archbishop Uy ang pagkakaroon ng ganap na katarungan sa lipunan na nangangahulugan ng pagtataguyod ng batas at pagtiyak ng pananagutan, anuman ang katayuan o kapangyarihan ng isang indibidwal sa lipunan.

Pangalawang ipinunto ng Arsobispo ang pagbabalik ng mga ninakaw na yaman ng bayan na kumakatawan din sa nawalang pagkakataon at mga serbisyong para sana sa kapakanan ng taumbayan.

Ayon kay Archbishop Uy, “Return of stolen wealth. What was taken from the people represents lost opportunities—schools not built, hospitals not equipped, livelihoods not protected. Returning what was stolen is not revenge; it is restoration. It is a concrete act of repairing the harm done to the nation.”

Igiiniit naman ng Arsobispo na ang pag-amin ng pananagutan sa pagkakasala na magbubunga ng pagkatuto at tunay na pagreporma o pagbabago ang ikatlong mahalagang hakbang para sa ganap na paghilom ng bayan.

Paliwanag ni Archbishop Uy, ang taus-pusong pag-amin sa pagkakamali ay isang moral na katapangan na isang malinaw na pagpapakumbaba.

“The admission of guilt by those responsible. There can be no true reconciliation without truth. A sincere acknowledgment of wrongdoing is an act of moral courage. It is the beginning of repentance, learning, and genuine reform. Forgiveness becomes possible only when truth is spoken humbly and clearly.” Ayon pa kay Archbishop Uy.

Samantala, muling namang pinaalalahanan ni Archbishop Uy ang sambayanan na ang diwa ng EDSA na mapayapang pagbabago sa pamamagitan ng pananampalataya at pagkakaisa ay nananatiling panawagan hanggang sa kasalukuyang panahon.

Hinamon din ng Arsobispo ang bawat Pilipino na hayaang mamunga ang diwa ng EDSA hindi lamang sa paggunita o pagbabalik tanaw, kundi sa kongkretong moral na paninindigan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.

Paalala ni Archbishop Uy, “EDSA taught us that peaceful change is possible when a people walk together in truth and faith. Forty years later, the call remains the same. If we truly desire national healing, we must choose justice over denial, truth over silence, and responsibility over convenience. Only then can the spirit of EDSA bear lasting fruit in our time and for generations to come.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 41,671 total views

 41,671 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 64,823 total views

 64,823 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 134,937 total views

 134,937 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 209,551 total views

 209,551 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 286,552 total views

 286,552 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 6,370 total views

 6,370 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top