Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

EJK sa mga environmentalist, wakasan na

SHARE THE TRUTH

 243 total views

Katarungan ang patuloy na panawagan ng Nuclear Free Bataan Movement para sa kanilang kasamahan na si Gloria Capitan na pinaslang isang taon na ang nakalilipas noong unang araw ng Hulyo.

Ayon kay Derec Cabe, coordinator ng N.F.B.M., nakadidismaya ang mabagal na imbestigasyon ng mga otoridad lalo na ang mungkahing isara ang kaso bagamat hindi pa nahuhuli ang tunay na salarin.

Dahil dito, nanawagan si Cabe sa Administrasyon na wakasan na ang extrajudicial killings, na bumibiktima hindi lamang sa mga taong may kaugnayan sa droga kundi maging sa mga tagapagtanggol ng kalikasan.

“Panawagan namin sana maging lesson at sana hindi lang ng mga pinapatay ng dahil sa pagtatanggol sa karapatan sa kalikasan, sana matapos na tigilan na ito, sana yung ating authorities lalong lalo na yung ating mga pulis at yung ating gobyerno, sana maging instrumento sila sa pagpapahinto ng unofficial na patakaran, at sana magkaroon ng hustisya ang pagkakapatay kay ate Gloria, sampu ng mga namatay na environmentalist,” dagdag pa ni Cabe

Inihayag ng Kalikasan People’s Network for the Environment na umabot na sa 117 ang mga environmentalist na napatay simula 2001.

Dahil dito, noong 2015, pumangalawa ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming pinaslang na environmentalists at itinuring ang taong 2015 bilang deadliest year para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Samantala sa unang 9 na buwang panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte, 16 na environmentalist na ang napaslang.

Una nang inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco ang kahalagahan ng mga nagtatanggol sa kalikasan dahil ipinahihiram nila ang kanilang boses sa mga nilalang ng Diyos sa na araw-araw ay nanganganib na maubos at maglaho.

Bukod dito, sinabi pa ng Santo Papa na sa pamamagitan ng pagtatanggol sa san nilikha ay naitataguyod din ang buhay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 9,130 total views

 9,130 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 23,190 total views

 23,190 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 41,761 total views

 41,761 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 66,924 total views

 66,924 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 168,867 total views

 168,867 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 112,713 total views

 112,713 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
1234567