Eksperto, tiwalang magiging maayos ang impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,895 total reads

Tiwala ang isang eksperto na magiging mas maayos ang takbo ng nalalapit na impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa ilalim ng bagong pamunuan ng Senado.

Ayon kay Prof. Roland Simbulan ng Center for People Empowerment in Governance, mas nagkakaroon na ng katatagan sa Senado matapos ang ipinatupad na special session kung saan naresolba ang isyu sa liderato at naihalal si Senate President Sherwin Gatchalian.

Sa panayam sa programang Veritas Pilipinas, sinabi ni Simbulan na matapos ang ilang linggong kaguluhan sa Senado, unti-unti nang bumabalik ang normal na operasyon ng institusyon na mahalaga para sa isang maayos na paglilitis.

“Mukhang makakapag-stabilize, normalize sa sitwasyon sa Senado, kasi yung sa nakaraang 37 days, bagama’t napakaikling termino ni dating SP Alan Peter Cayetano, ito’y napakagulo. Matagal sigurong hindi makakalimutan ito, itong mga nangyari,” ayon kay Simbulan.

Dagdag pa ni Simbulan, “Dahil dito rin sa stabilization ng senado, mas confident ako ngayon na magiging maayos itong darating na senate impeachment trial.”

Bunsod nito, mas tiwala siya na magiging organisado at patas ang impeachment proceedings, kung saan inaasahang maihaharap nang maayos ang mga ebidensya at testigo.

Gayunman, iminungkahi rin ng eksperto na mas mainam kung si Senador Francis Pangilinan ang mamuno bilang presiding officer ng impeachment trial, sa halip na si Senador Francis Escudero, dahil sa kanyang legal na background at mas balanseng pananaw.

“Kung ako ang tatanungin, na kung gusto nila na abogado ang magpreside na makakapagbigay ng…atleast we will be at peace. Mas gusto ko na ang piliiin nila sana si Sen. Pangilinan kasi abogado din ‘yan,” ayon kay Simbulan.

Dagdag pa niya, “Mas balance ‘yung kaniyang views dito sa mga bagay na ito, hindi siya masyadong ‘identified ‘tsaka wala siyang bagahe.”

Matatandaang sa ilalim ng dating pamumuno ni Escudero, naantala ang pagko-convene ng Senado bilang impeachment court dahil sa naging pagtatalo sa kahulugan ng terminong “forthwith” na sinasaad sa Saligang Batas.

Bukod dito, isa rin si Escudero sa iniimbestigahan kaugnay sa usapin ng flood control anomaly.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 114,809 total reads

 114,809 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 148,139 total reads

 148,139 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 180,283 total reads

 180,283 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 246,345 total reads

 246,345 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 258,241 total reads

 258,241 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top